Hindi alam ni Lorenzo kung paano magsi – sink in sa kanya na magkakaroon na siya ng anak. Napakaraming bagay ang naglalaro sa isip niya. Kaya ba niyang maging responsableng ama? Siya nga na ang relasyon nila ng tatay niya ay hindi na maayos – ayos kahit hanggang sa magkasakit ito. Hindi niya alam kung magiging mabuting ama ba siya. Hindi niya alam kung handa na ba siya.
"You don't need to be bothered, Mr. Villaruz. Kung anuman itong nangyari sa akin, it's a blessing for me. I am not going to bother you about this child. As I told you before I can take care of this baby," narinig niyang sabi ng babae habang nagbibiyahe na sila pabalik sa hotel. Marahil ay naramdaman nito ang kanyang pag – iisip dahil sa bigla niyang pananahimik.
"This is a game changer," tanging nasambit niya.
"Yeah. It is," segunda naman ng babae. "Huwag ka mag – alala hindi ko naman ilalabas kahit kanino ang tungkol dito so your reputation as a womanizer is still safe. You can even propose to your girlfriend," saglit itong nag – isip. "What's her name? Andie? Annie?"
"Angie is not my girlfriend. Mali ang nabasa mong article sa Racing Circuit," sabi niya. Doon lang naman nasulat iyon naisip niya. Nagkamali kasi ng intindi ang reporter na nag – interview sa kanya at napagkamalan na girlfriend niya si Angie Young na isang sikat na Chinese-Filipino actress-singer sa Hongkong. They see each other occassionaly pero wala silang relasyon. Nang tawagan niya ang publishing para itama iyon ay huli na daw. Naka print na ang article niya.
"Whatever. What I am saying is that wala kang obligasyon sa akin kung iyon ang iniisip mo. Hindi ko pababayaan ang magiging anak ko na lumaki tapos pagdating ng panahon ay itatanggi lang ng tatay niya dahil iniisip ng tatay niya ay pera lang ang gusto niya," sabi pa nito.
"You think I am like Pacheco?" paniniguro niya. Pakiramdam ni Lorenzo ay nag – init ang puno ng tenga niya. He is a happy go lucky guy pero pagdating sa mga ganitong responsibilidad ay hindi siya marunong tumakas.
"Aren't you?"
"Damn, Elaina! Hindi lahat ng lalaki ay katulad ng tatay mo. And you don't know me! I want to be involved with that child because it is also mine. I know you are that tough pero huwag mong ipagdamot sa akin ang karapatan kong maging tatay sa kanya," may halong inis ang pagkakasabi niyang iyon.
Hindi nakakibo si Elaina sa sinabi niyang iyon.
"Don't ever think that your life story will be the same as your child. Our child. Because I will not in anyway turn my back on that precious life," sagot niya dito.
Naramdaman niyang napahinga na lang malalim ang babae at tumingin sa labas ng kotse. Tapos ay napayuko at napailing – iling.
"I am a product of a soulless coupling. My father is a womanizer and my mother is one hopeless romantic that thought her life will be different if she marries the man that she loves. But her world came upside down when Esmeraldo refused her. Much worse, he wanted to abort me. Ganoon siya kawalang puso," napatawa ito ng mapait. "I promised myself that I will be different from my mother. But here I am. Pregnant with a man a barely know."
Napatingin si Lorenzo sa babae and he can feel her pain, her anger sa bawat salitang binibitiwan nito. Wala sa loob na hinawakan niya ang kamay nito.
"We can work this out. We will raise our child together," iyon lang ang nasabi niya.
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
RomansaAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...