Chapter Twenty One - Seduced

26K 766 4
                                    

       

Kanina pa nag – a – alarm ang cellphone ni Elaina na isinet niya pero hindi niya iyon pinapansin.  Magmula ng mabuntis siya, ito na yata ang pinakamasarap na tulog na nangyari sa kanya.  Napangiti siya ng maramdaman na merong braso ang nakapulupot sa kanya.  Naalala na naman niya ang nangyari kagabi.  Hindi niya alam kung paano nila ginawa ni Lorenzo iyon pero pakiramdam niya mas nag – enjoy siya sa pagsisiping nila ngayon. 

            Marahan siyang gumalaw para tumayo pero lalo lang humigpit ang braso na nakayakap sa kanya.

            "Where are you going?" narinig niyang tanong nito mula sa kanyang likuran.  Pakiramdam niya ay nanayo lahat ang kanyang mga buhok sa katawan dahil sa kiliti na dulot ng mainit na hininga nito sa batok niya.

            "It's seven o' clock already.  I need to get ready," sagot niya dito.

            "Just stay here.  Take the day off," sabi pa nito at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

            "I can't.  I have lots of meetings today sa mga clients," sabi pa niya pero hindi niya makuhang alisin ang pagkakayakap ng lalaki sa kanya.

            Hindi ito kumibo at idinantay ang kamay sa tiyan.  Marahan iyong hinimas – himas.

            "I can't wait to see our kids," sabi nito sa kanya at marahan siyang hinalik – halikan sa batok at naglilikot na naman ang mga kamay nito sa katawan niya.

            "Lorenzo, naka – isa ka na kagabi, ha?  Tama na," natatawang saway niya at humarap dito.  Napangiti siya.  Kahit bagong gising guwapo pa rin talaga ito.

            "Hindi na ba natin puwedeng ulitin?  You are so sexy and pretty.  Why you didn't tell me that pregnant sex is so sexy," nakangisi pang sabi nito.

            "Ngayon lang naman ako nabuntis 'no," natatawang sagot niya at sa wakas ay nakawala na rin siya sa pagkakayap nito.

            Lorenzo stayed on her bed just staring at her.  Gusto niyang mahiya dahil nakatihaya ito sa kama niya na wala man lang takip ng kumot at nakikita niyang nagpa – flag ceremony na naman ang junior nito.

            "Can you please put some clothes on?  Nagpa – flag ceremony na ang junior mo," natatawang sabi niya habang nagbibihis.

            "Nakikita ka kasi.  You're so damn pretty," sabi nito at tumayo mula sa kama at parang si Adonis na naglakad sa gitna ng kuwarto niya.

            "Stop seducing me," at napahalakhak pa siya ng pumormang Muscle Man si Lorenzo sa harap niya.

            "Ayaw mo ba nito?  If you marry me, you can have this body all your life," sabi pa.

            She rolled her eyes on him.  "Mag – breakfast na lang tayo and we need to go to work," natatawang sabi niya.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon