Chapter Twenty Five - Giving birth

27.4K 812 3
                                        

Doon nga sa hospital na pinuntahan nila naka – admit si Elaina. Nakasalang daw ito sa operating room via emergency CS dahil ng dalhin ito doon ay distressed na ang mga bata sa tiyan nito. May nakausap silang resident doctor na katulong sa pag – assist kay Elaina. Nalaman din nila kung saan ang room na kinuha ni Kit para sa recovery ng babae.

Pagpasok doon ay naabutan niyang nakaupo sa isang silya si Kit. Nakatungo ito na tila nagdadasal. Mabilis na lumapit si Lorenzo dito at hinawakan sa kuwelyo ang nagulat na lalaki.

"Damn you! What have you done to her?!" galit na galit na sambit niya. Mabilis siyang inawat ng kapatid at ng kanyang kaibigan.

"Let go of me!" sigaw ni Kit habang pumapalag sa kanya.

"Gago ka! Anong ginawa mo kay Elaina?!" galit pa ring sigaw niya.

"Ikaw ang gago! Binuntis mo tapos pinaasa mo. Tapos gagamitin mo pa siya para makuha mo lang ang posisyong gusto mo?" galit nitong sabi sa kanya habang inaayos ang nalukot na polo.

Nagtangka siyang lumapit kay Kit para masunggaban ito pero pigil – pigil siya nila Francis.

"Hindi ka na naawa sa kanya? Dinala mo pa ang babae mo doon sa bahay 'nyo. She saw you with Angie. Then, nalaman niya lahat ng plano mo. At alam mo kung sino ang nagsabi sa kanya? Mismong ang tatay pa daw niya. If you can see how she cried. Awang – awa ako sa kanya. Kaya ayan, sa sobrang stress niya napaanak siya ng wala sa oras," galit pa ring sabi nito.

Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig na sinabi ni Kit.

"She has no one kaya tinawagan niya ako. She doesn't want me to call you kaya si Olivia na lang ang tinawagan ko," sabi nito at parang nanghihinang napasandal sa dingding doon. "I don't know what will happen. Kaninang – kanina pa siya sa operating room," sabi pa nito.

Hindi siya nakapagsalita at parang nanghihinang napaupo sa tabi ni Kit. Kasalanan niya kung anuman ang mangyayari kay Elaina.

"Can you please check what is happening now kay Elaina?" mahinang sabi niya sa kapatid.

"So you can kill each other here? No way," sagot ni Pablo.

Umiling si Lorenzo.

"We'll be fine. Please check on Elaina. Leave us," sabi pa niya.

"I'll check but I'll leave Pabs outside," sagot ni Francis sa kanya at sabay na lumabas ang dalawa.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa habang parehong nakatitig lang sa kisame.

"Do you love her?" narinig niyang tanong ni Kit sa kanya.

Napahinga siya ng malalim at napatango. "Yah."

"Then why you are hurting her? I have only known her for a short time but that didn't stop me from liking her. She is different. Independent, stubborn. But she is a loving person. I don't know what happened to me and I like her that instant," narinig niyang sabi ni Kit sa kanya.

Napatingin siya sa katabi at nakita niya ang kaseryosohan sa mukha nito. Siguro nga, maging siya ay ganoon rin ang nangyari sa kanya. Sa napakaikling panahon na nakilala niya si Elaina ay minahal na niya ito hindi lang dahil sa nabuntis niya ang babae.

"I am telling you, if you're just going to turn your back on her and her kids, I am willing to play your part," sabi pa nito sa kanya.

"I love her. And I am going to marry her because I love her and our kids. Not just because of that damn presidency. I don't care about anything but her. Even if she doesn't love me back. Even if she don't want to accept me. I'll do anything, everything just to have her in my life," mahinang sagot niya.

Narinig niyang napahinga ng malalim si Kit .

"And she loves you, too." Sabi nito sa kanya at narinig niyang napatawa ng mahina. "Even if she doesn't say it, I know in her heart, she loves you too."

Sana nga.

Iyon na lang ang naisip niya.

CLOSER TO LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon