Naipagpasalamat ni Elaina sa sarili niya na kahit nasa estado siya ng paglilihi ay hindi siya masyadong nahihirapan. She can still do her job at kahit tatlong buwan na ang kanyang tiyan ay hindi pa rin naman iyon halata. Wala namang nakakaalam ng kanyang pagbubuntis bukod sa kanya at kay Lorenzo.
Napahinga siya ng malalim at tiningnan ang kopya ng ultrasound report na nasa harap niya. Napangiti siya ng makita ang resulta noon. Hindi niya maipaliwanag ang saya na bumalot sa kanya ng malaman na kambal pa pala ang ipinagbubuntis niya pero kaagad din iyong napalitan ng lungkot ng maisip na mag – isa lang niyang haharapin ang bagong kabanatang ito ng kanyang buhay.
Kahit naman kasi sinabi ni Lorenzo sa kanya noon na hindi nito tatalikuran ang obligasyon sa kanya ay hindi na rin siya umasa. Heto nga matapos ang ilang linggo kahit dulo ng buhok nito ay hindi na niya nakita. Wala man lang itong paramdam sa kanya.
Don't worry babies, mommy is going to take care of you both.
Sabi niya at marahang hinimas pa ang tiyan.
"Elaina, tumawag si Emille kanina. What time mo daw ipapa – deliver ang cake para sa wedding sa Saturday?" narinig niyang sabi ni Olivia ng makapasok sa loob ng office nila.
Mabilis niyang isinuksok sa bag ang hawak na ultrasound report at umayos ng upo.
"Around 10am para maaga silang makapag – set up. Kamusta na ba iyon? Hindi ko siya makontak nung nakaraan kasi ika – cancel ko sa kanya 'yung wedding ni Robine at Alonzo," bahagya siyang umiling – iling. "This is what I hate. Mag – cancel sa lahat ng suppliers," sabi niya.
"Hindi mo ba alam ang nangyari? Ano ka ba?" parang mayroon siyang hindi alam.
"Si Emille daw ang dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang kasal ni Robine at Alonzo. Balita ko lang sa ibang suppliers. May nangyari daw. Sinubukan ko ngang chikahin kanina kung anong nangyari pero mukhang wala sa mood. Try calling Cindy," sabi pa ni Olivia.
Emille is a good friend of hers. Matagal na niyang partner ito sa business niya. Ito na ang supplier niya ng cakes sa lahat ng events niya and kahit paano nag – aalala din siya kung may nangyari dito. Naisip niyang tawagan na lang ito mamaya.
"Teka, baka makalimutan mo ang meeting with Mr. Kit Herrera sa Manila Hotel, ha. Kakatawag lang ng secretary niya to remind you," narinig pa niyang sabi ni Olivia ng makalapit sa table niya at ilagay ang isang note doon.
"I was about to leave. Inayos ko lang ang mga cheke na kailangang mai – deposit bukas para sa mga suppliers," sagot niya at inumpisahan na inimis ang mga gamit na nakakalat sa mesa.
Nakita niyang lalo pang lumapit sa kanya ang assistant at tumingin ng makahulugan.
"Neng, mukhang matindi tama sa 'yo niyan ni Mr. Herrera ha? Ilang beses na 'yang nagpapadala ng mga bulaklak dito para sa'yo," tila nanunukso pa ito.
Napatawa lang siya. Oo nga at madalas itong nagpapadala ng bulaklak sa kanya pero hindi naman niya iyon iniintindi. Alam niyang pagpapasalamat lang iyon dahil naging successful ang paghahandle nila ng kasal ng kapatid nito at ito nga, kaya niya ito imi – meet ay para naman sa product launching ng bagong design ng mga sapatos ng kumpanya nito.
"Olivia, huwag mong bigyan ng kahulugan iyon. Ano ka ba? Successful kasi ang wedding na ginawa natin para sa kapatid niya. Iyon lang iyon," sagot niya dito.
"Sus, ikaw naman. Manhid – manhidan na naman ang peg mo. Alam ko naman na type ka 'nun. Grab mo na. Sayang naman at good catch na 'yun 'no. Mayaman, binata, guwapo. Mukhang responsible pa," sabi pa nito.
Tumayo na siya at binitbit ang bag para umalis na doon.
"Whatever. Wala na sa bokabularyo ko ang mag – asawa," sagot niya at umalis na.
Totoo naman kasi na nagpaparamdam sa kanya si Kit Herrera na Country Manager ng sikat na Reaper Apparel. Ang mga produkto nito ay mga sapatos, damit at mga accessories for sports. Nakilala niya ito sa wedding ng kapatid nito na kanilang inorganisa tatlong linggo na ang nakakaraan. Magmula noon ay hindi na ito tumigil ng pagtawag at pagtitext sa kanya. Hindi naman niya iyon binibigyan ng kahulugan at hindi rin niya iniintindi. Ayaw na niyang magdagdag pa ng sakit ng ulo niya.
Nang dumating siya sa Manila Hotel ay naroon na si Kit. Bahagya siyang napangiti dahil talaga namang guwapo ang isang ito. He looks like a model wearing a v-neck black shirt and fitted pants. Naka – pony tail ang mahabang buhok that created a man bun na usong – uso sa mga lalaki ngayon. Naisip niyang he looks like her favorite character in Game of Thrones na si Jon Snow. Espada na nga lang at cloak ang kulang dito. Agad itong ngumiti at tumayo mula sa kinauupuan ng makita siyang paparating.
![](https://img.wattpad.com/cover/83414048-288-k862749.jpg)
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
RomansaAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...