Shit! What did I say?
Huli na para mabawi ni Lorenzo ang kanyang nasabi. Gusto niyang suntukin ang sarili. Sobrang galit kasi siya at talagang nag – seselos siya sa Kit na iyon kaya parang nawawala na siya sa tamang pag – iisip. All he could think of is how that guy looked at his Elaina with so much affection.
"Get out," narinig niyang mahinang sambit ni Elaina at umupo ito sa upuan na naroon.
"I am sorry. Nabigla lang ako," punong – puno ng pagsisising sabi niya at lumapit sa babae para hawakan ito. Pero mabilis na tinabig nito ang kamay niya.
"Get out! I don't want to see you anymore!" galit na bulyaw nito sa kanya.
"Elaina, we need to –" hindi na naituloy ni Lorenzo ang sasabihin dahil tumayo ang babae at nagkulong sa banyo doon. Kahit pa anong katok ang gawin niya ay hindi na siya nito pinagbuksan. Naririnig lang niya ang mahihinang hikbi nito.
"Elaina, please. Talk to me. I am sorry," hindi niya alam ang gagawin kung paano pa makakabawi dito.
Pero kahit yata magka – kalahating oras na siyang kumakatok doon ay wala ng pag – asang buksan pa iyon ni Elaina. Hindi naman niya ito masisisi. Talaga namang foul ang nasabi niya.
"I'll go for now. I'll come back tomorrow 'pag hindi na mainit ang ulo mo and we will talk," sabi niya at laglag ang balikat na umalis doon.
Lorenzo found himself inside the Club High. This is the bar that Pablo co – owns and most of the time, hang – out niya kapag gusto niyang mag – unwind. Hindi niya mapatawad ang kanyang sarili dahil sa nasabi niya kay Elaina. He knew it was below the belt to say those words to her. He was just consumed by jealousy.
Tarantado kasing lalaki 'yun, eh. Hindi na lang maghanap ng iba. 'Yung buntis pa ang kinakalantari.
Mabilis niyang tinungga ang shot ng vodka sa harap niya ng maisip iyon.
"And you are here because?"
Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Pablo na umupo sa tabi niya. Sumenyas ito sa waiter at umorder din ng maiinom.
Umiling lang siya at ininom ulit ang shot ng vodka. Napangiwi siya sa tapang noon.
"Is this about Elaina?" paniniguro nito.
"We had a fight. I went to her office and I saw that fucking Kit flirting with her," nagtagis pa ang bagang niya ng sabihin iyon.
"Who is Kit? Boyfriend niya?"
"No. Some fucking client who has a thing for Elaina. That bastard is trying to steal my woman," sabi pa niya at tumungga naman ng kaharap na beer.
Napatawa si Pablo sa nakikitang reaksyon niya.
"Your woman?" natatawang sabi ni Pablo. "Enzo, admit it. You already love Elaina."
Hindi siya agad nakakibo sa realization na iyon. Does he really love Elaina?
"If you can see your face," hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha ni Pablo. "Puta, pulang – pula na ang mukha mo sa galit. I've never seen you affected like that because of a woman," patuloy pa nito.
"But she is different. She is carrying my twins," lalo siyang nakonsensiya ng maalala ang nasabi sa babae.
"Yeah. I know and you love her," tanging nasabi ni Pablo at tinungga ang hawak na beer.
Ininom na lang ulit niya ang natitirang shot ng vodka at tumayo na.
"Where are you going? Hindi mo ba hihintayin si Angie? Papunta na daw siya dito," sabi pa ng kaibigan niya.
"I need to talk to Elaina. Hindi ako makakatulog kung ganitong alam kong galit siya sa akin. Tell Angie I said hi," sagot niya. "Send me the bill," at dire – diretso na siyang umalis doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/83414048-288-k862749.jpg)
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
RomantikAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...