Elaina is on her seventh month of pregnancy already and she is thinking to accept Lorenzo's marriage proposal. Well, sa araw – araw ba naman na panunuyo nito sa kanya na kahit nasa ibang bansa ay panay ang padala ng bulaklak at pagtawag sa kanya ay talagang lumalambot ang puso niya. At saka kahit hindi naman niya aminin, she really likes Lorenzo at habang tumatagal, ramdam niyang lumalalim na ang pagtingin niya dito.
Ipinahinto niya ang taxi sa tapat ng mansion ng mga Villaruz. Sa totoo lang, nahihirapan na rin siya sa kalagayan niya at pinipilit lang niyang kayanin ang mga trabaho niya. Ngayon nga, dahil under staff ang team niya, napilitan siyang pumunta ng Dangwa at mag pick – up ng mga bulaklak para gamitin sa birthday ni Lor Villaruz Jr. ng POAD. Hindi lang talaga siya makatanggi sa nanay ni Lorenzo kaya napilitan siyang tanggapin ang event na ito. Gustuhin man niyang dalhin ang sarili niyang sasakyan, talagang hindi na niya kakayin pang mag – drive dahil sa laki ng tiyan niya.
Dire – diretso na siyang pumasok at tinungo ang garden kung saan gaganapin ang birthday party. Marami ng tao. Late na ang pagde – dekorasyon ng mga bulaklak. Gustong – gusto niyang magmura dahil kung hindi nag – absent ang isang staff niya ay hindi sila magagahol ng ganito.
"Nandiyan ang prodigal son ni Sir Lor. Nagulat nga ako ng makita ko kanina na dumating. Alam ko 'di ba galit si Sir Lor doon?"
Napatingin si Elaina sa grupo ng mga nag – uusap hindi malayo sa kanya. Hindi naman niya intensiyon na makinig pero ng marinig niya ang "prodigal son", alam niyang si Lorenzo ang tinutukoy ng mga ito.
"Kung galit si Sir Lor sa kanya, bakit siya ang ipinalit na president ng POAD?" tanong naman ng isa.
"Pansamantala lang kaya 'yun. Alam ko magkakaroon pa rin ng voting next month. Pero sa tingin ko, sa grupo pa rin nila Sir Lor mapupunta ang presidency since naka – recover na si Sir," sagot naman ng isa pa.
"Balita ko pa nga may nabuntis daw 'yang si Lorenzo III. Sino kaya ang malas na babae? Napakatanga. Nagpabuntis pa doon eh, kilalang – kilala na babaero 'yang si Enzo," narinig pa niya sa usapan ng mga ito.
Napalunok siya. Pakiramdam nga niya ay tatanga – tanga siya. Parang siya lang yata ang hindi nakakakilala sa pagkatao ni Lorenzo.
"Nakita ko nga kanina dumating 'yung girlfriend na artista. Napakaganda pala noon sa personal. Ang kinis – kinis," kumento pa ng isa.
Lumayo na lang siya sa grupo ng mga nagchi – chismisan. Ayaw na niyang marinig pa ang pinag – uusapan ng mga ito. Gusto na lang niyang matapos ang trabaho niya dito at ng makaalis na siya. Minamadali niya ang pag – aayos ng mga bulaklak ng mahagip ng paningin niya sa isang sulok ng garden ang isang lalaki at babae na tila engrossed sa pakikipag – usap sa isa't – isa. Napalunok siya. Hindi siya maaaring magkamali. Si Lorenzo iyon kasama ang rumored girlfriend nito na si Angie Young.
Hindi niya maintindihan ang damdamin na biglang lumukob sa kanya. Is she jealous? Parang ganoon na nga ang nararamdaman niya. The couple looked like they missed each other a lot. Angie is caressing Lorenzo's face and he is looking at her with a lot of desire.
Napapikit – pikit siya. Pinigil niya ang sariling mapaiyak dahil iyon ang nararamdaman niya. Ipinaalala niya sa kanyang sarili na wala siyang karapatang magselos dahil unang – una wala silang relasyon ni Lorenzo. Na kaya lang siya pinipilit na magpakasal nito ay dahil para sa kanilang magiging anak.
"It looked like history repeated itself," narinig niyang sabi ng kung sino mula sa kanyang likuran.
Gulat siyang napalingon mula sa nagsalita at nakilala niyang si Esmeraldo Pacheco ang naroon. Tingin niya ay lasing na ito at may hawak pang baso ng brandy.
Inirapan lang niya ito at itinuon ang pansin sa pag – aayos ng bulaklak.
"I bet he asked you to marry him," sabi pa nito sa kanya.
Nagtatakang napatingin siya dito. Ano ang alam ni Esmeraldo?
Napatawa pa ito sa nakitang reaksiyon niya. "And I can guess he did ask you already. And you think he is sincere? You think he is serious with you? He is just going to use you to get what he wants. He wants to remain the president of POAD and to remain in that position, he needs to have a family. He needs to be a family man," sabi pa nito sa kanya.
Napalunok siya. Kaya pala ganoon na lang ang pagpipilit sa kanya ni Lorenzo na magpakasal sila. Dahil kailangan siya nito. Hindi dahil sa gusto nitong panagutan ang nangyari sa kanya. Mayroon pala itong ibang motibo.
"And you think he loves you?" tumawa pa ito ng nakakaloko. "You got pregnant with a man that you barely know. You are just like your mother. You are just a whore like her," sabi pa nito.
Malakas niyang sinampal si Esmeraldo. Wala na siyang pakielam kung makagawa man siya ng eksena doon.
"I regret the moment that I knew that you are my father. If only I can choose my own father. You are one hell of a monster. You don't deserve to be my father!" umiiyak na sabi niya at tinalikuran na ito.
Umiiyak na nag – dial siya ng numero sa kanyang telepono.
"Kit, I need a favor. Can you please pick me up? I'll text you the address," sabi niya sa kausap.
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
RomanceAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...
