"What was that? I know hindi tungkol sa business ang pinag – uusapan ninyo ng babaeng iyon," iyon ang narinig ni Lorenzo na tanong ng ina niyang si Ingrid Villaruz habang nagmamaneho siya para ihatid ito sa bahay.
Matapos ang pag – uusap nila ni Elaina ay napilitan na rin siyang umalis doon kahit ayaw pa ng kanyang ina. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit parang sinisilaban ang sarili niya sa inis sa tuwing makikitang nakikipagtawanan pa ang babae sa lalaking kausap na parang walang pag – uusap na namagitan sa kanila.
"It's nothing mom," tanging sagot niya na nakatuon ang pansin sa harap ng kalsada.
Narinig niyang nagpakawala ng mahabang buntong hininga ang nanay niya.
"You know, sometimes I feel I don't know you anymore. Parang ang dami – daming nangyayari sa buhay mo na hindi ko alam. I am your mother pero pakiramdam ko ibang tao ako kung ituring mo," narinig niyang bahagyang nabasag ang boses nito.
Napailing siya at binagalan ang takbo ng sasakyan.
"I am sorry, mom. Its just I have so many things running in my mind. Si daddy, ang business ko, ang organization, my life. It is like my head is going to explode lalo na ng malaman kong magiging tatay na ako," tila wala sa loob na sambit niya.
Gulat na napatingin sa kanya ang kanyang ina.
"What did you say? Stop this car right now!" matigas na utos ng kanyang ina.
Walang magawa, ikinabig niya pagilid ang sasakyan at huminto.
"Lorenzo, what are you talking about?" naguguluhang tanong nito.
"Elaina is pregnant with my children. Children because we are having twins," halos hindi niya marinig ang sariling boses ng sabihin iyon.
Nakita niyang natutop ng kanyang ina ang sarili nitong bibig. Hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Kitang – kita niya ang pagning – ning ng mata ng nanay niya.
"Oh my god! Oh my god, Lorenzo!" naiiyak na sambit ng kanyang ina at niyakap siya.
"It was an accident. A one night affair that led to this," sabi pa niya at isinandal ang ulo sa headrest ng kinauupuan niya.
"It's a blessing iho! And you're going to have twins! Oh my god! Siguradong matutuwa ang daddy mo kapag nalaman ito," walang mapagsidlan ang tuwa ng kanyang ina.
"Mom, please. Can we just keep this to ourselves for now? Elaina and I are not in a relationship. And it is still her decision if she wants me to be the father of her kids," sagot niya.
"Anong it's her decision? You have all the right to be the father of those kids. Kung hindi mo ito aayusin, ako ang gagawa ng paraan dito Lorenzo." May himig pagbabanta iyon.
Knowing his mom, alam niyang talagang hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto. Parang gusto niyang suntukin ang sarili. Kung bakit kasi nabanggit pa niya ito sa nanay niya. Pakiramdam niya tuloy ay patong – patong na problema ang nasa ulo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/83414048-288-k862749.jpg)
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
Любовные романыAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...