Chapter Eleven - Confrontation

27.4K 837 5
                                        

       

Panay lang ang ngiti ni Elaina sa mga papuri na binibigay sa kanya ni Kit.  Ang tungkol sa product launching event na dapat nilang pag – usapan ay hindi man lang nito nababanggit.  Inaantok na siya.  Gusto na niyang umuwi at magpahinga pero hindi naman niya ito maiwan dahil kliyente nga naman ito at kailangan niyang sakyan ang bawat gusto nito.

"Elaina, how are you?"

Pareho silang napatingin ni Kit sa lalaking nagsalita sa kanila. 

Napakunot ang noo niya ng makilalang si Lorenzo iyon.  Seryosong – seryoso ang mukha nito lalo na sa paraan ng pagkakatingin sa lalaking kasama niya. 

"E – Enzo?!  H – hi!  What are you doing here?" iyon lang ang nasabi niya. 

Pinilit nitong ngumiti sa kanya at tumingin muli sa lalaking kasama niya.  Na tipong nagsasabi na, sino ang lalaking iyan?

"I was around with someone then I saw you.  Who is your date?" seryoso muling tanong nito.  Napansin niyang diniinan nito ang huling salita.

Natawa siya at napatingin kay Kit.  Nakangiti rin ito na talagang naghihintay na ipakilala niya.

"This is my client Kit Herrera of Reaper Apparel.  We are just talking about business," diniinan niya ang bawat salita noon para maramdaman ni Lorenzo na nang – iistorbo na ito.

Tumaas lang ang kilay nito na halatang hindi kumbinsido.

"Can I talk to you for a second?  Privately?" sabi nito sa kanya.

Alam niyang hindi rin naman titigil si Lorenzo sa pangungulit nito kaya nagpaalam muna siya kay Kit at sumunod kay Lorenzo sa isang sulok.

"You're having a date with other man?  In your situation dapat nagpapahinga ka na sa bahay mo," narinig niyang sambit nito ng makalapit siya.

"What date are you talking about?  I am discussing business with that man.  Ang dumi naman ng isip mo," inis niyang sagot dito.

"Hindi ako tanga.  Sa tingin pa lang sa 'yo ng lalaking iyon para ka na niyang hinuhubaran," sabi pa nito.

Napatawa siya sa narinig na sinabi nito.  "Just like what you always do.  It takes one to know one right?" she said that with full of sarcasm.

Kitang – kita niya ang pamumula ng mukha ni Lorenzo.  Alam niyang nagagalit ito.  Pero bakit?  Wala naman siyang ginagawang masama.

"Saka ano naman ang pakielam mo kung makipag – date man ako sa iba?"

            "Anong pakielam ko?!  I am just the father of your babies.  So siguro, may pakielam ako for my twins," sagot nito sa kanya.  Hindi niya maipaliwanag ang lukot na lukot na mukha nito sa galit.

            "Since when?  Ilang linggo kang wala man lang paramdam.  Hindi ko nga alam kung buhay ka pa, eh.  So what would you expect from me?  Saka sinabi ko na sa iyo hindi mo ako kailangan na panagutan.  I can take care of myself.  When I sent you that ultrasound report, I just want you to be on the loop.  But other than that, wala ka ng obligasyon sa akin.  You can live your fast life," tanging sabi niya at at akmang aalis na doon.  Pero mabilis siyang pinigilan ng lalaki.

            "This is our problem.  Wala kasi tayong pag – uusap.  Everytime we see each other laging ganito.  We need to talk about our children.  We need to talk about us," tila punong – puno ng problema ang boses nito.

            "So kasalanan ko pa?  Ako na nga ang nag – initiate 'di ba?  I sent you the ultrasound report.  Kung interesado ka sa mga bata, sana kinamusta mo man lang ako kung buhay pa ba ang mga bata.  But what happened?  Did I hear anything from you?" galit sagot ni Elaina.  "I know how busy you are Mr. Villaruz kaya don't bother about me," dugtong pa niya at tumalikod na.  Pero muli ay hinawakan siya nito sa braso para tumigil siya.

            "Is there something wrong?"

            Pareho silang napatingin sa nagsalita sa kanila.  Nakita niyang nakalapit na pala si Kit sa kanila ng hindi nila namamalayan.

            "We are still talking.  Go find yourself useful somewhere else," inis na sabi dito ni Lorenzo at tumingin sa kanya.

            "I think she doesn't want to talk to you anymore," malumanay na sagot ni Kit pero dama niya ang kaseryosohan ng timbre ng boses nito.

            Pakiramdam ni Elaina ay hihimatayin na siya sa tensyon sa kanyang paligid.  Kitang – kita niya ang galit sa mukha ni Lorenzo at tingin niya ay kayang – kaya nitong suntukin si Kit anumang oras.

            "Kit, please.  Go back to our table.  I will be there in a minute.  Please," nakiusap na siya.  Ayaw na niyang magkaroon ng gulo.  Napatingin siya sa paligid at nakita niyang may ilang mga customers na rin ang napapatingin sa kanila.

            "Are you sure you are okay?" punong – puno ng pag – aalalang tanong nito at tumingin ng masama sa gawi ni Lorenzo.

            Pinilit niyang ngumiti.  "Yes.  I will be fine.  Just give me a minute," sabi niya.

            Nakita niyang nanatiling nakatingin sa kanila si Kit ng bumalik ito sa table nila.  Inis na binalingan niya si Lorenzo.

            "And you want me to believe that he is just a client?  First name basis ka ngayon sa mga clients mo?"

            "I don't want to talk to you right now.  Bumalik ka na kung sino man ang ka – date mo ngayon.  Mag – usap na lang tayo kapag wala ka ng topak," sabi niya dito.

            "Damn, Elaina!  Talk to me!" bahagyang lumakas ang boses nito.  Ang ilang mga tao ay tumingin na sa gawi nila. 

            "Stop making a scene!  Ano ba ang problema mo?!"

            "Enzo, what is this?  Who is this woman?" napatingin si Elaina sa may edad na babaeng lumapit sa kanila.

            Narinig niyang napamura ng mahina ang lalaki at umayos ito.

            "She is Elaina, mom." Iyon na lang ang narinig niyang nasabi nito.

            Nagtatanong pa rin ang tingin ng ina nito.  Hindi naman niya malaman kung ano ang kanyang gagawin.  Naisip niyang hindi naman siguro sasabihin ni Lorenzo sa nanay nito ang tungkol sa kalagayan niya.

            Pinilit niyang ngumiti at inilahad ang kamay sa may edad na babae.  "It's nice to meet you, Mrs. Villaruz.  I am Elaina Percival, I am the events coordinator of some events of POAD," iyon na lang ang nasabi niya.

            Nakita niyang nagliwanag ang mukha nito ng marinig ang pangalan niya.  "Oh!  So it's you!  Naku iha, tuwang – tuwa ang mga amiga ko sa last event ng POAD.  Napakagaling daw ng execution and everybody loves it.  Congratulations," sabi nito at tumingin sa gawi ni Lorenzo na nanatiling seryosong nakatingin sa kanya.

            "It's so nice to see you both but I need to go back to a client.  Have a nice evening Mrs. Villaruz," sabi niya sa matandang babae tapos ay bumaling kay Lorenzo.  "Mr. Villaruz, can we just talk about our business some other time?" baling niya sa lalaki.

            Alam niyang tutol ito na putulin na niya ang kanilang pag – uusap pero alam din niyang wala na itong magagawa. 

            Tiim ang bagang na umalis na lang ito doon.  Pilit siyang ngumiti sa ina nito na nakatingin din sa kanya bago siya bumalik sa kanyang table.

CLOSER TO LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon