Chapter Twenty Two - Party

27.4K 759 2
                                        

       

Ilang minuto na rin na nakatigil lang sa harap ng isang malaking bahay ang kotse ni Lorenzo pero hindi niya makuhang bumaba.  Nanatili lang siyang nakaupo sa driver seat at nakatitig sa kalsada.

            Last week pa tumawag ang mommy niya sa kanya para sabihin na mayroong handaan para sa seventieth birthday celebration ng kanyang ama.  His mom told him to be there because his dad is expecting him.  Gustong – gusto daw siyang makausap ng daddy niya.

            Pero hindi niya maintindihan kung bakit talagang hindi niya magawang bumaba sa sasakyan niya.  Parang hindi pa talaga niya kayang humarap sa kanyang ama.

            Napapitlag siya ng makarinig ng mga katok mula sa bintana ng kanyang sasakyan.  Nakita niyang ang kapatid niyang si Francis ang naroon.  Magmula ng umuwi ito anim na buwan na ang nakakaraan ay nag – extend na lang ito ng nag – extend ng leave.  Tingin nga niya ay parang wala ng planong bumalik pa sa Amerika.  Ibinaba niya ang bintana.

            "Do you have any plans on getting out from your car?  Kanina ka pa hinihintay ni daddy," sabi nito sa kanya.

            Pinilit niyang ngumiti at sumandal sa headrest ng kinauupuan.

            "Maybe I'll just drop by later this evening.  Kapag wala ng maraming bisita.  Mahirap na, baka magtalo na naman kami ni daddy," pinilit niyang ngumiti ng sabihin iyon.

            Napatawa rin ang kapatid sa narinig na sagot niya.

            "Bumaba ka na diyan.  Kanina ka pa rin hinahanap ni mommy," sabi pa nito.

            Napailing siya at napahinga ng malalim.  Napamura siya ng mahina ng patayin ang makina ng sasakyan.

            "Where is your baby mama?" tanong pa ni Francis sa kanya ng makababa siya ng sasakyan.

            Napakunot ang noo niya na napatingin dito.  "Anong baby mama?"

            "The chick that you knocked up," at napahalakhak pa ito.  "Tatanga – tanga ka kasi.  Bakit hindi ka naman gumamit ng condom?  Sa sobrang babaero mo ayan tuloy, nakadisgrasya ka," at tinawanan pa siya nito.

            Hindi na siya kumibo at nagpatiuna na lang na pumasok.  Ayaw na muna niyang isipin ang tungkol kay Elaina.            

            Marami ng bisita ng makapasok siya sa loob ng bahay nila.  Karamihan ay mga taga POAD at mga kaibigan ng daddy niya.  Kitang – kita niya ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ng mga tao doon.  Alam naman kasi ng lahat ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ama.

            "Where is mom?" tanong niya sa nakasunod na kapatid.

            "Nasa kitchen," sagot nito at kumuha ng wine sa dumaang waiter.

            Doon siya dumiretso.  Hindi pa niya kayang harapin ang kanyang daddy.  Naabutan niya ang ina na abala sa pagmamando sa mga waiters para sa ihahandang pagkain.

            "Mom," tanging sabi niya ng makalapit dito at humalik sa pisngi nito.

            "Kaninang – kanina pa kita tinatawagan.  Hinahanap ka ng daddy mo," sabi agad nito sa kanya.

            "Babalik na lang ako mamaya kapag wala ng gaanong tao," sagot niya dito.

            "Nonsense!  Nandito ka na, aalis ka pa.  And besides, Elaina's team is here.  I called them to organize this party.  I know she cannot say no to me.  Nag – aalala nga ako kasi wala pa siya.  'Yung assistant lang niya ang nandiyan at ibang staff.  But Olivia told me, she is coming," sabi pa nito.

            Hindi niya maintindihan ang kaba at excitement na naramdaman niya ng marinig na pupunta dito si Elaina.  Ilang araw na rin silang hindi nagkikita dahil naging busy din siya sa trabaho at sa pagpa – practice sa upcoming race niya sa Spain.

            "Look what the cat dragged in," narinig niyang sambit ng kung sino mula sa kanyang likuran.  Napangiti siya ng makita na naroon si Pablo kasama si Angie Young.

            Yumakap siya sa kaibigan at humalik siya sa pisngi ni Angie.

            "I thought you already left for Japan?" sabi niya sa babae.

            Ngumiti ito ng matamis sa kanya at isinukbit ang kamay sa kanyang braso.

            "Well, I haven't seen you in a while.  You look so busy and you have no time to visit me in my hotel kaya ako na ang pumunta dito," makahulugang sambit nito sa kanya.

            Napatingin siya sa gawi ng kanyang ina at nakita niyang umirap ito sa kanya.  Tingin niya ay hindi nito gusto ang nangyayari na may naglalanding babae sa kanya.  Mukhang Team Elaina ang mommy niya.

            "Let's go outside.  Mainit dito," iyon na lang ang nasabi niya at nagpatiuna ng lumabas mula sa kusina.

CLOSER TO LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon