Chapter Twenty Four - Punch

27.6K 772 5
                                        

       

Paikot – ikot ang mata ni Lorenzo sa paligid niya dahil hindi niya makita si Elaina.  Sabi ni Olivia ay dumating na daw ito dahil naroon na ang mga bulaklak na kinuha nito mula sa Dangwa.  Pero hindi niya makita kahit saan man ang babae.  Imposible naman na umalis ito na hindi magpakita sa kanya.

            Lumabas siya ng gate at nakita niyang naroon si Elaina.  Tahimik itong umiiyak kaya mabilis siyang lumapit.

            "Babe, you are here.  You had me worried," nag – aalalang sabi niya at akmang yayakapin ito ng mabilis itong umiwas sa kanya.

            "Don't touch me, please." Sabi nito.  Kitang – kita niya ang lungkot sa mga mata nito habang umiiyak.

            "What's wrong?" takang tanong niya.

            "You are just using me.  Me and my twins.  No wonder pinipilit mo akong magpakasal sa iyo dahil kailangan mo ako," sabi pa nito.

            "What are you saying?" nagtataka siya.  Ano ang sinasabi nito?

            "Why don't you ask Angie to marry you so you can save your position in POAD?  You two belong to each other.  Huwag mo na akong guluhin, Mr. Villaruz.  I told you I can take care of my babies," sabi nito at lumapit sa isang sasakyan na huminto sa tapat nila.

            Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya ng makilala kung sino ang nagmamaneho ng kotseng huminto at sasakyan ni Elaina.

            "Elaina, please.  We need to talk," sabi niya.

            Pero mabilis na sumakay sa sasakyan ang babae at malakas na isinara ang pinto.  Mabilis ding pinaharurot ni Kit ang sasakyan para makaalis na doon.

Walang magawa, mabilis na pumasok sa loob si Lorenzo.  Kailangan niyang puntahan si Elaina.  Kailangan niyang magpaliwanag.

"Enzo, your dad is waiting for you inside.  Kaninang – kanina ka pa nandito, hindi mo man lang siya puntahan," sita sa kanya ng mommy niya ng makita siyang papasok.

"I need to leave, mom.  I need to talk to Elaina.  She's upset.  I don't know what happened," naguguluhan niyang sagot nito.

"But talk to your dad, first."

Napahinga na lang siya ng malalim at tinungo ang silid ng kanyang ama.  Papasok na lang siya ng makita niya malapit doon si Esmeraldo Pacheco na nakangisi sa kanya. 

"You think you will retain the presidency of POAD?  You already lose, Lorenzo Villaruz III.  Next month, one of my partners will be the new president.  You and your family will be out soon," nakangisi pang sabi nito.

"What did you tell to Elaina?" pinipigil niya ang nag – uumalpas na galit sa dibdib niya.

Nagkibit ito ng balikat at ininom ang natitirang alak sa hawak na baso.  "I just told her the truth.  You know, she is still my daughter," at napahalakhak ito.  "Come on, Lorenzo.  Admit it.  You enjoyed fucking her and you have no intention of marrying her.  She is just like her mother.  Her whore mother that –"

Hindi na naituloy ni Esmeraldo ang sasabihin dahil malakas niya itong sinuntok sa mukha at tumumba ito sa isang silyang naroon.  Mabilis na lumapit ang mommy niya at si Pablo para awatin siya.

"What is wrong with you?!  She is you god damn daughter and you are treating her like that?!  I love her and I am going to marry her!  Fuck that position!  All I want is Elaina and I don't care about that stupid presidency!  You can have that for all I care," galit na galit na sigaw niya at tuloy – tuloy na pumasok sa silid ng kanyang ama.

Naabutan niya ang daddy niya na nakaupo sa kama nito at nakatingin sa kanya.  Mukhang wala na ngang sakit ang daddy niya dahil maayos na maayos na ang kalagayan nito.

"I know you hate me.  I know you think I am a failure because I didn't follow your footsteps.  But please accept me for who I am.  I tried to be you.  I tried hard just to please you but iba ang buhay ko, dad." Mabilis na sabi niya sa kanyang daddy.  Sigurado na kasi siyang sesermunan na naman siya nito.

Pero imbes na magalit, nakita niyang nakangiti lang ito sa kanya.

"Say something.  I don't want to be the president of POAD.  Francis is here, you can give it to him.  You can give it to anyone.  Right now, all I wanted is to be with Elaina.  I just want to be with her and our children," sabi pa niya.

Nakita niyang tumayo ang kanyang ama at lumapit sa kanya.  Tapos ay niyakap siya ng mahigpit.

"I am always proud of you, son.  I was wrong for the entire time that I was pushing you to be like me.  I know you have your own life.  Lalo na ngayon.  I can see that you are going to be a responsible father," sagot nito sa kanya.

Gusto niyang maiyak.  Magmula ng magkaisip siya, ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na yakapin ng kanyang ama.  Ngayon lang niya naramdaman na naging proud ito sa kanya.

"Kaya siguro ako nagagalit sa iyo dahil alam kong tama ang mga sinasabi mo sa akin.  Nagagalit ako kasi I can see myself in you.  Stubborn.  Persistent," natawa ito napailing – iling. 

"I love her, dad.  I can leave my fast life just to be with her and our kids," sagot pa niya sa ama.

"Then go get her.  I know she will be yours," sabi pa nito.

Napatawa lang siya habang sabay silang lumabas na mag - ama.  Paglabas niya ay naroon sa pinto si Francis at Pablo na parang hinihintay siya.  Ang mommy naman niya ay kausap si Olivia.

"All good?" nakangiting tanong ni Francis sa kanya.

Nakangiti lang siyang nag – thumbs up dito.  "You might be the new president of POAD," sabi niya sa kapatid.

"Nah," napangiwing sagot nito sa kanya at kumumpas ng kamay.  "Nag – usap na kami ni daddy.  I told him I will study Criminal Law.  I always wanted to be a lawyer," sabi pa nito sa kanya.

Gulat siyang napatingin sa kapatid at sa kanyang ama.  Nakita niyang nakangiti lang ito.

"It's never too late to follow your dreams," sabi nito sa kanya.

Nakita niyang palapit sa lugar nila ang kanyang mommy at si Olivia.  Her mom looks worried.

"Enzo, someone called Olivia.  Elaina is in the hospital.  She is giving birth.  Emergency CS daw kasi in distress na ang mga bata," sabi nito sa kanya.  Kitang – kita niya na worried ang kanyang ina.

"I need to go," sabi niya at nagpatiuna ng umalis doon.  Pero sumunod lang din ang kapatid niya at si Pablo sa kanya.

"Sasama pa kayo?"

"Of course.  Baka himatayin ka doon kapag nakita mo mga anak mo walang aalalay sa iyo," pang – aalaska ni Francis.

"Ikaw Pabs?  Ihatid mo na lang si Angie," sabi niya sa kaibigan.

"Kanina pa umalis.  Langya ka.  Hindi mo pala binanggit kay Angie na may nadisgrasya ka.  Ayun umalis ng masama ang loob," natatawang sagot nito.

Natawa na lang din siya at hindi na kumibo.

"Wait, saang hospital dinala si Elaina?  And who is with her?" tanong pa ni Pablo habang nagbibiyahe na sila.

"Sinamahan ko siya last time sa may Manila Doctors.  Doon ang OB niya.  Siguro doon din siya ngayon.  Gago kasing Kit Herrera 'yun. Siya ang kasama ni Elaina," inis na sabi niya.

"And gago si Pacheco.  I didn't know he is Elaina's father," sabi pa ni Pablo.

"I don't know what he told Elaina.  She hates me.  She thinks I am just using her and our kids para maging presidente ng POAD.  Fuck that position!  You can have it Pabs," sabi pa niya dito.

"Wala namang asawa 'yang si Pablo.  Syota nga wala 'yan.  One night stands marami," sabat ni Francis.

"I don't care kung sino ang papalit sa akin.  Si Elaina lang at ang mga anak namin ang importante sa akin ngayon," tanging sagot niya habang papasok sa parking ng ospital.

CLOSER TO LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon