"What happened to your date with Kit Herrera?"
Iyon agad ang bungad na tanong ni Olivia kay Elaina ng makita siya nitong pumapasok sa opisina.
Pinilit lang niyang ngumiti dito at umupo sa upuan sa kanyang mesa. Masama ang pakiramdam niya ngayon. Kaninang pagkagising ay walang tigil ang kanyang pagduduwal at pagsusuka. Ang mga multivitamins nga ay hindi niya mainom dahil isinusuka din niya iyon. Wala pa siyang kinakain ngayong almusal at gutom na gutom na siya. Lahat ng pagkain na sinubukan niyang kainin ay isinuka din niya. Kung wala nga lang siyang mahalagang gagawin ngayon ay talagang hindi na siya papasok.
"Okay ka lang ba, girl?" nag – aalalang tanong ni Olivia sa kanya.
"Y – yeah. I am good. Napuyat lang ako kagabi sa dami ng mga emails na sinagot ko saka medyo ginabi kami ni Kit. Ang dami – daming kuwento bago namin napag – usapan ang tungkol sa event nila," pagsisinungaling niya at tiningnan ang sarili sa salamin.
Haggard na haggard ang itsura niya. Nanlalalim ang kanyang mga mata at bahagya pa siyang namumutla.
"You don't look good. Mukha kang maysakit," puna pa nito.
"Pagod lang ito ito. Don't worry about me," sagot niya at binuksan ang kaharap na laptop.
"Elaina, there is someone here to see you," narinig niyang sabi Olivia.
Pero bago pa siya makasagot ay dire – diretso ng pumasok sa office niya ang isang sosyal na may edad na babae at nakilala niyang mommy ito ni Lorenzo. Posturang – postura ito sa suot na itim na slocks at white longsleeves. South sea pearls earrings and necklace lang ang suot nitong accessories pero kitang – kita ang pagka –sopistikada nito kahit na nga may edad na. Todong – todo ang ngiti nito at may mga bitbit na mga plastic na sa tingin niya ay mga pagkain at prutas. Mabilis siyang tumayo para lumapit dito pero pinigilan din siya ng matanda.
"Oh, no dear. Stay. Stay at your seat. I know how you feel. Sit. Sit," sabi nito sa kanya at inalalayan pa siyang makaupo.
Napatingin siya sa gawi ni Olivia at nakita niyang maging ito ay takang taka sa nagaganap.
"Iha, I brought you some fruits and foods. I know this will be good for you and your babies," sabi nito at nag – umpisang ilabas sa supot ang mga laman noon.
Nakita niyang nanlalaki ang mga mata ni Olivia sa narinig. Hindi makapaniwala sa narinig na buntis siya. Maging siya ay gulat na gulat din dahil hindi niya alam kung paano nito nalaman na buntis siya. Imposibleng si Lorenzo ang magsabi noon.
"These are all organic. Bumiyahe pa ako sa Tagaytay kaninang umaga para makuha ang mga fresh harvest na iyan," nakangiti pang sabi nito sa kanya. Nagbalat ito ng isang orange at inilapag sa harap niya. Kulang na lang ay subuan pa siya nito.
"M – Mrs. Villaruz. I think you have the wrong idea –"
"Did you eat your breakfast already? I made some omelette here," putol nito sa sasabihin niya at binuksan ang isang Tupperware.
"Mrs. Villaruz t – this is too much. Alam ho ba ni Lorenzo na nandito kayo?" naguguluhan talaga siya. Pero napatingin siya sa omelette na dala nito at hindi niya maipaliwanag ang parang paglalaway niya. Parang bigla siyang nagutom at gusto niyang sunggaban ang omelette.
"I don't care if he doesn't want to see you or he wants to think that this, those precious twins inside you an accident. But they are my grandchildren. And hindi mo puwedeng ipagdamot sa akin ang mga iyan," narinig niyang sambit ng matanda sa seryosong paraan.
Napalunok siya. Iyon pala talaga ang nasa isip ni Lorenzo. Her twins are just an accident.
Hindi nga ba? They are a product of a one night tryst.
Iyon ang naisip niya.
Naramdaman niyang hinawakan ni Ingrid Villaruz ang kanyang mga kamay.
"Iha, Lorenzo is just an independent kid. Bata pa lang marami na talaga siyang gusto sa buhay niya. He can be stubborn sometimes but I am telling you, he is a responsible one. He will never turn his back on your babies," sabi pa nito.
Gusto niyang mapairap. Kaya pala ilang linggo ng walang paramdam ang lalaking iyon. Kung hindi pa sila nagkita kagabi sa hotel ay hindi niya malalaman na buhay pa pala ito.
"Nag – usap na ho kami ni Lorenzo na hindi ko naman siya oobligahin dito. We have our own lives to take care for. Hindi namin kailangan na magsama dahil lang sa nabuntis niya ako. I can take care of my babies," sagot niya.
"Nonsense! Those babies need their father. I am telling you, hindi mo kakayanin na mag – isa magpalaki sa mga batang iyan," kumumpas pa ang mga kamay nito sa hangin.
Gustong matawa ni Elaina sa kaharap na babae. Pakiramdam niya ay si Lorenzo din ang kaharap niya dahil sa mga actions nito. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang tumayo na ang babae at inayos ang mga dala sa harap niya.
"Idinaan ko lang talaga ang mga iyan. When is your next doctor appointment? I can go with you," sabi pa nito.
Pinilit niyang ngumiti.
"Mrs. Villaruz, you don't need to bother. I am totally fine. I'll just let you know 'pag may mga advice ang doctor ko," iyon na lang ang sinabi niya para umalis na ito.
Napangiti naman ito sa narinig na sagot niya.
"Sige, iha. You need to take a rest. Namumutla ka. Baka makasama sa mga apo ko," sabi nito at humalik sa pisngi niya bago tuluyang umalis.
Napapikit siya sa bilis ng mga pangyayari. Naramdaman niyang lumapit sa kanya si Olivia at nagtitili pa.
"Oh my god, Elaina! You are pregnant?!" gulat na sabi ni Olivia ng makalapit sa kanya. Alam niyang gulat na gulat ito dahil wala nga naman siyang boyfriend.
Kahit napipilitan ay tumango na lang siya.
"Sino ang tatay?"
"Lorenzo Villaruz III," walang anuman na sabi niya at tiningnan ang iba pang dala ng matanda.
Nanlalaki ang mga mata ni Olivia. "'Yung guwapo? 'Yung president ng POAD? 'Yung boss ni Zeus?" sunod – sunod na tanong nito.
"Yep," tanging sagot niya at kinain ang nakahain na omelette sa harap niya. Napapikit pa siya ng malasahan iyon. Sa ilang araw niyang pagsusuka at pagpili ng pagkain, ngayon lang yata siya nakalasa ng masarap na pagkain.
Nang tingnan niya si Olivia ay nakita niyang parang wala ito sa sariling nag – iisip at hindi pa rin makapaniwala na buntis siya at si Lorenzo Villaruz III ang ama.
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
RomanceAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...
