Chapter Fourteen - Next move

25.9K 805 7
                                        

       

"I made the first move, so it's up to you what to do next," narinig ni Lorenzo na sambit ng nanay niya ng makapasok ito sa loob ng bahay niya.  Naroon na rin ito sa loob ng kuwarto niya at inaayos ang kurtina ng kanyang kuwarto.

            "What are you talking about, mom?"  takang tanong niya at napipilitang bumangon.  Pakiramdam niya ay groggy pa siya dahil sa puyat at hang – over.  Napatingin siya sa relo at nakita niyang pasado alas – diyes na.  Madaling araw na kasi siya nakauwi kagabi.  Pagkahatid niya sa nanay niya ay dumiretso pa siya sa Club High sa Makati para dumalo sa launching ng isang alak.  Saka isa pa, gusto niyang mawala ang inis na nararamdaman niya dahil sa pagkikita nila ni Elaina.  "And what are you doing here?" tanong pa niya sa ina ng para siyang mahimasmasan.

            "I went to Elaina and I brought her some food," walang anuman na sabi nito.  "You should see her.  She doesn't look good.  She should take some time off from her job.  I know it is stressful.  It will be bad for her and the babies," tanging sabi pa nito at inayos naman ang kama niya kahit nga nandoon pa siya.

            "You did what, 'ma?" gusto niyang makasiguro kung tama ba ang narinig niya.

            "Get off your bed and visit her so you can see what I am talking about," sabi pa nito sa tonong nag – uutos.

            "What did you do?  You went to Elaina's office?" hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng kanyang ina. 

            "I wanted to know if she is okay.  If she is alright then my grandchildren will be alright."

            Inis na napakamot ng ulo si Lorenzo at padabog na umalis sa kama. 

            "You shouldn't do that!  She doesn't like to be taken care of.  Sobrang independent ang babaeng iyon," inis na sabi niya habang nagsusuot ng pants na nakita niyang nakapatong sa Lazy Boy na naroon tapos ay dumiretso sa banyo para magsipilyo.

            Napa – ismid ang kanyang ina.  "If you can see her face.  Alam kong nagustuhan niya ang mga dala ko," punong – puno ng kumpiyansa ang pagkakasabi na iyon ni Ingrid.

            "'Mom, please.  Let me handle this situation.  May usapan na kami ni Elaina," pakiramdam niya ay nakikipag – usap siya sa bata.

            "Anong usapan 'nyo?  Iniisip 'nyo lang 'yang mga sarili 'nyo.  Hindi ninyo iniisip ang kapakanan ng mga bata.  Gagawa – gawa kayo ng ganyang kalokohan tapos hindi 'nyo naman kayang panindigan pareho," sermon pa nito.

            Hindi siya nakakibo sa sinabi nito.  Partly ay tama naman ang kanyang ina.

            "Hindi kita pinigilan sa mga gusto mong gawin sa buhay mo, Lorenzo.  Pero sa pagkakataong ito, hindi ako papayag na lumaki ang mga apo ko na walang pamilya so you better do what you need to do.  Matanda ka na at alam mo na dapat kung ano ang dapat mong gawin," sabi pa ng kanyang nanay.

CLOSER TO LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon