Chapter Twenty-six - New Mom

27.2K 751 0
                                        

       

Parang umiikot pa ang ulo ni Elaina.  Nararamdaman niyang nag chi – chill pa siya pero hindi katulad kanina, mas nabawasan na ngayon ang panginginig niya.  Sabi naman ng doctor normal lang daw iyon dahil gawa ng anesthesia na inilagay sa kanya.  Marahang napamulat ng mata si Elaina at napansin niyang ibang kuwarto na ito.  Wala na siya sa recovery room.  Marahil ay sariling kuwarto na niya sa ospital.

Nakita niya si Kit na nakaupo sa silya malapit sa kanya at nagbabasa ng libro.

"K – kit," tawag niya dito.

Parang nagulat pa ito ng makita siyang gising na.  Mabilis na ibinaba ang libro at lumapit sa kanya.

"How are you?  Are you okay?  May masakit ba sa iyo?" kitang – kita niya ang pag – aalala dito.

Napangiti siya.  Kung sana ganito rin si Lorenzo.  Kung sana ganito rin ka – concern sa kanya ang tatay ng mga anak niya eh, di sana masayang – masaya siya.  Napalunok siya para mapigil ang nagbabantang pag – iyak.

"How are my babies?" tanong niya.

"They are still in the NICU for observation.  Naka – incubator pa ang mga anak mo but the doctor said tomorrow puwede na silang ilipat sa nursery dahil malalakas naman daw ang mga ito.  They are all perfect just like their mom," nakangiti nitong sagot sa kanya.

"Thank you, Kit.  Sobra – sobra na ang abala ko sa iyo.  If you have anything to do you can leave me.  Okay na ako.  I can take care by myself.  Tatawagan ko na lang si Olivia," sagot niya dito.

Hinawakan ni Kit ang kamay niya.

"Hindi mo ba tatawagan si Enzo?  I think he deserves to know that his kids are okay and you are okay," sabi nito sa kanya.

Napangiti siya ng mapakla.

"Huwag na natin siyang guluhin.  May sarili ng buhay iyon.  I am happy with my kids and it's all that matters."

Napahinga ng malalim si Kit.

"You are my friend, Elaina.  Just tell me anything you need and I'll be there.  But I think, kailangan mo si Lorenzo lalo na ngayon.  Even if I wanted it to be me, still, Lorenzo is the father of your kids."

"Kit, you can go now and do your stuff.  I'll be fine.  Masyado na kitang naabala," pag – iiba na lang niya sa sinasabi nito.

"I'll go for now pero babalik din ako mamaya.  Be safe," sabi nito at humalik sa noo niya at umalis na.

CLOSER TO LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon