Chapter Eight - Twins

29.2K 782 7
                                    

       

Ilang patong ng folders ang nasa harap ni Lorenzo pero hindi niya iyon magawang buklatin man lang.  Mas nakatuon kasi ang pansin niya sa isang ultrasound report na pinadala sa kanya ni Elaina mula sa messenger nito.

            In case you want to know.

            Iyon ang nabasa niyang nakasulat sa ibabaw ng sobre.  Hindi siya marunong tumingin ng ganito.  May picture na hindi niya maintindihan.  Basta may nakalagay doon na Baby A and Baby B.  May nakasulat na heartbeat at sonogram and Elaina is on her twelve weeks already.

Ilang linggo na nga rin pala siyang hindi nagpapakita sa babae magmula ng huli silang mag – usap.  Matapos kasi na maghiwalay sila ng babae sa Cebu ay lumipad naman siya sa Japan para sa isang International Race dahil nagkasakit ang racing partner niya na dapat ay kakarera doon.  Hindi naman niya magawang tumanggi dahil under contract siya at isa pa, he also missed the racing life.  Saka alam niyang hindi naman umaasa si Elaina sa kanya na gagawin niya ang katulad ng mga ginagawa ng mag – asawa tulad ng pagsama niya sa pagpapa – check up sa OB-GYN, pamimili ng mga gamit para sa mga bata.  He knows Elaina can live without him.  Naisip nga niyang napaka – suwerte niya.  Sa lahat kasi ng nakabuntis ay siya lang ang tanging hindi hinahabol ng nabuntis niya.

Napakamot siya ng ulo at muling tiningnan ang ultrasound report.  They are going to have a twin babies.

Sa isang bata nga para ng masisira ang ulo niya kung paano papanindigan, tapos ngayon dalawa pa pala magiging anak niya.

Napatingin siya sa pinto ng opisina niya ng makitang naroon si Pablo at may bitbit na mga papeles.  Dire – diretso na itong pumasok sa opisina niya.  Mabilis niyang itinago ang ultrasound report.  Hindi pa siya handa na sabihin kahit kanino ang tungkol sa pagkakabuntis niya kay Elaina.

"Report ni Esmeraldo Pacheco ito tungkol doon sa nagreklamo sa kanya na client from Mindoro.  Basahin mo na lang if you think this is convincing," sabi agad nito at iniabot ang papel sa kanya tapos ay naupo sa kaharap na upuan.

Kinuha naman niya iyon at nagsimulang basahin.  Hindi niya alam naglilikot pala ang mga mata ni Pablo sa desk niya at nakita nito ang ultrasound report na itinago niya.  Mabilis nitong kinuha ang papel at tiningnan.  Hindi na niya nabawi pa.

"Why do you have an ultrasound report here?" nagtatakang tanong nito habang tinitingnan iyon.

Hindi agad siya nakakibo at hinintay na lang ang reaksyon ng kaibigan.  Nang mabasa marahil ang pangalan ng may – ari noon ay nanlalaki ang mga mata nito na napatingin sa kanya.

"You knocked her up?" hindi makapaniwalang sambit nito.

Alam niyang sukol na siya kaya hindi na siya puwedeng magsinungaling. 

"Sad but true," tanging sagot niya at marahang hinilot – hilot ang ulo.

Napatawa ito.  "You're going to be a father?  And you are having twins?" nagugulat pa rin ito sa nababasa.

"That's according to that," iyon lang ang nasabi niya.

"So?  What are your plans?  I meant, are you sure it's yours?" hindi pa rin talaga makapaniwala si Pablo.

Napahinga siya ng malalim.  "I know I met her in an extraordinary way, but I am sure that her babies are mine."

Napatawa si Pablo sa narinig na sagot niya.

"Well, in that case, congratulations, man!" sabi pa nito at tinapik siya sa balikat tapos ay nagtawa.  "Putang ina, sa dami ng babae mo, sa isang hindi mo pa kilala ka nadisgrasya."

Napailing – iling siya at napayuko.   "I don't know, Pabs.  I have so many things to think about.  My dad, this job, my life.  Tapos at dumagdag pa ito.  Although hindi naman niya ako pinipilit na panagutan ang nangyari," sagot niya at naihilamos ang mga kamay sa palad.

"O?  Ano ang problema doon?  Hindi naman pala naghahabol, eh.  Suwerte mo," sabi nito at ibinalik sa kanya ang ultrasound report.  Kinuha naman niya iyon at inilagay sa kanyang drawer.

"Pero makakaya ba ng konsensya ko na pabayaan sila?  I don't know what to do."

"Ganito lang 'yan, eh.  Of course I won't ask if you love her because I know you don't.  And you're telling me she is not asking you to be the father of her twins.  Suportahan mo na lang para malinis ang kunsensiya mo," payo nito.

Love?  When was the last time he felt love?  Sa lahat ng mga babaeng nakasama niya, lahat iyon ay puro pampalipas lang ng init ng katawan.  But with Elaina, he knows even if he didn't get her pregnant, he was going to pursue her.  She has something that he can't explain.  The connection, the extreme attraction everytime he sees her.

"Well, I was thinking about this for weeks.  I was thinking of asking her to marry me."

Nakita niyang nanlaki ang mata ng kaibigan niya sa sinabi niya

"Whoa!  Enzo, do you hear yourself?  Si Lorenzo Villaruz III magpapakasal?  You who loves being single, loves the fast life, you are willing to leave all those behind?" hindi makapaniwalang sabi nito.

"I don't know," naguguluhang sagot niya.  "I am not getting any younger.  My mom was always asking me if kailan daw ako maghaharap ng matinong babae sa kanya.  And besides, baka ito na ang pagkakataon na magkaayos kami ni daddy kapag nalaman niyang I am getting married and well, I'll leave the life of being a race car driver," paliwanag niya.

"You are willing to leave the life that you always wanted just to be with your children?  For her?  You barely know her!"

Kaya nga ba niya?  Hindi nga ba at kahit ang mga magulang niya ay walang nagawa ng gustuhin niyang sundin ang maging isang race car driver.  Pero iba na ngayon.  Siguro nga talagang tumatanda na siya.  Kung hindi pa siguro siya nakabuntis ay hindi papasok sa isip niya ang buhay niya kapag siya ay tumanda.  Nakakaramdam din naman din kasi siya ng inggit kapag madalas ay mga birthday parties na ng mga anak ng kaibigan niya ang dinadaluhan niya tapos siya ay mag – isang pupunta.  People see him as a successful person in his field but deep inside, he is just a lonely man.

"Pero alam mo pare, mukhang answered prayer itong nangyari sa iyo," sabi pa ni Pablo.

Taka siyang napatingin sa kaibigan.

"Alam mo naman, most of the board members ng POAD ay mga married man and they have this rule that only a married man can be the president of POAD.  Alam mo naman iyon," sabi pa nito.

"Yeah?" alanganin niyang sagot.  Mukhang alam na niya ang ipupunto nito.

"Ask her to marry you para officially the seat of presidency is yours.  Hindi na maaalis sa Villaruz.  Mas mahirap kapag ibang tao pa ang namuno sa POAD and you know that," sabi nito sa kanya.

He knew about that.  Sa umpisa pa lang ay alam na niya ang rule na iyon pero hindi niya iniintindi.  Pero mukhang sa pagkakataong ito, he might consider marrying Elaina for that reason too.  Para kahit paano mabawasan ang guilt feeling na nararamdaman niya para sa daddy niya.  Iyon lang naman talaga ang rason kung bakit siya nagtitiis na maging presidente ng organisasyong iyon.  Baka kapag nawala pa iyon sa kanila, matuluyan ng masira ang sira ng pagsasama nilang mag – ama.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon