Chapter Twenty - Sexy Preggy

26.6K 836 4
                                    

       

Napatingin si Elaina sa bedside table niya at tumingin siya sa relo.  Siniguro pa niya kung tama ba ang nakikita niya dahil mag a – ala una na ng madaling araw ang oras na nakikita niya.  Kaya nagtataka siya kung sino ang nagdo – doorbell sa gate ng bahay niya.  Tapos ay kinakalampag pa iyon.

            Tinungo niya ang pinto at sinilip niya kung sino ang naroon.  May naaninag siyang lalaki na nakatayo at kinakalampag ang gate niya.  Napasimangot siya ng makita ang kotse na nakaparada sa harap ng bahay.  Kilala na niya kung sino ang walang konsensiyang nambubulahaw sa kanya.

            Parang nagma – martsang pinuntahan ni Elaina ang gate at tumayo doon.  Wala siyang balak na papasukin ang lalaking ito.

            "Nambubulahaw ka.  Nakakahiya sa mga kapitbahay ko.  Madaling araw na.  Umuwi ka na," sabi niya kay Lorenzo ng makita itong nakatayo doon.

            "I am sorry sa nasabi ko.  Kausapin mo naman ako," sabi nito sa kanya at sinubukang buksan ang gate niya na nanatiling nakakandado.

            "Are you drunk, Lorenzo?" tingin niya ay mukhang marami itong nainom.  Ngayon lang niya nakitang parang wala sa huwisyo ang lalaking ito.

            "Let me in.  Just give me five minutes.  I am so sorry, Elaina.  I am so sorry sa nasabi ko sa iyo," kitang – kita niya ang sinserong pagsisisi sa mukha nito.

            Napahinga siya ng malalim at kahit ayaw ay napilitan siyang buksan ang gate niya at pinapasok ito.  Dire – diretso itong pumasok sa bahay niya kahit hindi pa naman niya iniimbita at naupo sa sofa na naroon.  Tingin niya ay talagang lasing na lasing ito. 

            "Saan ka ba galing?  Saka gabing – gabi na nandito ka pa.  Umuwi ka na," inis na sabi niya dito.

            Nag – angat ito ng mukha at tumingin sa kanya.  Kitang – kita niya ang pagsisisi sa mukha nito at talaga naman na pinalambot noon ang damdamin niyang nagagalit dito.  Naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at marahang hinila palapit dito tapos ay pinaupo siya sa kandungan nito at yumakap sa kanya.

            "Ano ba, Lorenzo?  Ibaba mo nga ako?" protesta niya pero mas lalo nitong hinigpitan ang yakap sa kanya.

            "Let me do this, please.  I just wanted to feel you.  You and our twins," sabi pa nito na nakapikit ang mga mata at marahan pang hinimas – himas ang tiyan niya.  Para naman nakakaintindi ang kanyang mga anak, pumanay ang galaw ng mga iyon na para bang nasisiyahan sa ginagawa ni Lorenzo.

            "T - they are moving!" naibulalas nito.

            Napangiti siya.  Talagang gumalaw ng gumalaw ang mga anak niya sa tiyan niya.  Parang masayang – masaya na kasama ng mga ito ang kanilang tatay.

            "It's a boy and a girl," sabi niya na nanatiling nakakandong sa lalaki.

            "How did you know?" tanong ni Lorenzo.

            Kumawala na siya sa pagkakahawak nito at umupo sa katapat na sofa.  Tingin naman niya kahit nakainom si Lorenzo ay parang naiintindihan pa rin naman nito ang nangyayari sa paligid.

            "I went to my OB the other day and had an ultrasound," sagot niya.

            "You went there without me?" dama niya ang lungkot sa boses nito.

            "I know how busy you are kaya hindi na kita inistorbo," sabi niya.

            "Who is with you?  Kasama mo ba ang Kit na iyon?" dama niya ang inis sa pagkakasabi na iyon ng lalaki.

            Napahinga siya ng malalim.

            "I went there by myself.  Saka anong kinalaman ni Kit?  He is just a friend," paliwanag niya at huminga ng malalim.  "Lorenzo,  teka nga.  Ano ba tayo?  Naguguluhan na ako," halos padaing lang ang pagkakasabi niya noon.

            "Then marry me para hindi ka na maguluhan," tanging sambit nito at bago pa siya makasagot ay nasa tabi na niya ang lalaki at mabilis siyang hinalikan sa labi.

            Hindi agad nakagalaw si Elaina.  All she could think about is this kiss.  Lorenzo's sweet kiss.  It's full of passion, full of desire, full of love.

            Hindi na niya namalayan na malaya ng naglalakbay ang mga kamay nito sa katawan niya.  Nahubad na nga nito ang suot niyang night gown.  Hindi alintana ang umbok ng tiyan niya.

            "I missed you very badly," paanas na sambit ni Lorenzo sa kabila ng paghalik sa kanya.

            Napapikit siya ng maramdaman ang paghalik nito sa dibdib niya.  Gusto niya itong pigilan sa ginagawa pero talagang iba ang isinisigaw ng katawan niya.  Talaga naman kasing gusto niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Lorenzo.  Lalo pa ngayon na buntis siya, talagang gabi – gabing mainit ang katawan niya.  Sinabi naman ng kanyang OB na safe siyang makipag – sex at kailangan niya iyon because of her raging hormones.

            "Are you sure about this?  Look at my body.  I have a big tummy," parang nahihiya pa siya na makitang hubad ng lalaki.  Malaki naman talaga ang ipinagkaiba noong una silang magsiping ni Lorenzo.  Sexy siya noon.  Pero ngayon, para na siyang nakalunok ng pakwan.

            Ngumiti sa kanya ang lalaki.  "You are the sexiest pregnant woman that I saw naked.  You don't know how much I wanted to make love to you again," sabi nito at muli at sinimulan na siyang angkinin nito.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon