Chapter Fifteen - Stare

25.7K 806 3
                                    

       

Mag – iisang oras na rin na nasa parking lot lang si Lorenzo ng opisina ni Elaina.  Mula sa glass window ay nakita niya itong busy sa pakikipag – usap sa telepono.  Tapos ay matutulala ito at hahawak sa tiyan.  Naisip niyang siguro nga she is having a hard time conceiving and she cannot make it by herself lalo na nga at alam niya ay wala naman itong ibang pamilya.

            Nakita niya itong tumayo at tinungo ang banyo.  Doon na siya lumabas sa kotse at pumasok sa loob ng opisina ng babae.  Alam niyang mag – isa lamang ito doon dahil nakita niyang umalis ang assistant nito.

            Iginala niya ang paningin sa loob ng opisina ng nito.  Maliit lamang iyon na sakto lamang para sa dalawa hanggang tatlong kataong staff at isang lugar para sa receiving ng mga clients.  Naroon ang ilang mga malalaking pictures ng mga naging events nito, mga display dummy cakes, mga photo albums.  Napatango – tango siya.  Elaina has a good taste pagdating sa mga ideas na naroon kaya hindi na siya nagtaka na she is a well known event planner.

            "I'll be there in a minute," narinig niyang sambit ni Elaina mula sa banyo.  Siguro ay narinig ang pagtunog ng bell ng pinto.

            Umupo siya sa upuan sa tapat ng mesa nito at nakita niya ang mga desk calendar na naroon.  Napakunot ang noo niya at napailing.  Almost fully booked ang mga dates na naroon.  Sa dami ng events na nakapila doon, alam niyang talagang mapapagod ito.

            Nakita niyang bahagyang napaurong si Elaina ng makita siya.

            "How are you?" tanong niya dito.

            Nagtataka man ay umupo ito sa upuan sa harap niya.  Hindi katulad nung nakita niya nakaraan na sopistikada ang itsura nito, today she looks pale and parang pumayat pa ng konti.  Nanlalalim din ang mga mata nito.  Ang dating mga seksing office attire nito ay napalitan ng maternity dress.  Ngayon niya napansin na tila bahagyang umumbok na ang tiyan nito.  Agad niyang tiningnan ang sapatos na suot nito at naipagpasalamat niya at naka flat shoes lang ito.  Hindi suot ang mga paboritong three inched high heeled shoes.

            "What are you doing here?" tanong nito sa kanya. 

            "I want to check if you're okay," puno ng pag – aalalang tanong niya.

            "I am fine," sagot nito at sinalo ang ulo.  Tingin niya ay latang – lata na ito.

            "No.  You are not fine.  Did you see yourself in the mirror these days?"

            Umiling – iling lang ito.  "Umalis ka na.  Marami pa akong gagawin," sagot pa nito at nagsimulang magbuklat – buklat ng mga folders sa harapan nito.

            "Do you want to have some lunch?" hindi niya pinansin ang pagpapaalis nito sa kanya.

            Nakita niyang napatingin sa kanya ang babae na tila kumislap ang mata.  "Can you please ask your mom if she can make again the omelette that she made to me last time?  Kagabi pa ako walang kinakain kasi lahat sinusuka ko din.  I am craving for something else and I am craving for that," sabi nito sa kanya.

            Napangiti siya at hindi makapaniwala.  Tumayo siya at lumapit sa babae para alalayan itong makatayo.

            "Close your shop for today and I'll make you the omelette that you want," sabi niya dito.

            Hindi na ito kumibo at kinuha lang ang bag at dinukot ang telepono.  Nauna na itong lumabas at narinig niya ang assistant nitong si Olivia ang tinatawagan.  Siya na ang nagsara ng office nito.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon