Pareho silang napatingin sa gawi ng nagsalita at nakita niya ang madilim na anyo ni Lorenzo na nakatingin sa kanila partikular kay Kit. Sa paraan ng pagkakatingin nito ay kayang – kaya nitong pumatay ng tao.
Marahan siyang tumayo at lumapit kay Lorenzo. Nanatili itong nakatayo lang doon at nakatingin kay Kit.
"Kit just dropped by. We are just talking about business," tanging sabi niya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang magpaliwanag. Tingin kasi niya ay talagang kayang kainin ng buo ni Lorenzo si Kit sa paraan ng pagkakatingin nito sa kaharap.
"Now you know who is the father of her kids, you can go now," sabi ni Lorenzo kay Kit.
Nakita niyang napangiti si Kit at napailing – iling. "As far as I know, you and Elaina are not exclusive right? You just knocked her up because of a one night stand?" himig paniniguro nito.
Tumingin ng masama sa kanya si Lorenzo tapos ay muling bumaling kay Kit.
"Go find someone else na walang sabit, pare. Can't you see she is already pregnant? And I am not going to turn my back to her," sagot nito.
"Talaga lang ha? Kaya pala according to my sources tuloy pa rin ang pakikipag – relasyon mo kay Angie Young. She's in town in case you want to know," nakangisi pang sabi ni Kit.
Pakiramdam ni Elaina ay sumisikip ang paligid nilang tatlo. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa pagitan nila.
"Kit, can we just see each other some other time?" punong – puno ng pakiusap ang boses niya.
Tumingin sa kanya ang lalaki at tumayo na rin. Naipagpasalamat niyang marunong din naman pala itong umintindi.
"I'll see you some other time, Elaina. Please be safe. You and your twins," sabi nito at dire – diretso ng umalis.
Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na si Kit. Pero para lang din nadagdagan ang kaba niya ng makita ang itsura ni Lorenzo na nakatingin ng masama sa kanya.
"And this is what you do? Flirting with other guys kahit pa ilang buwan na 'yang tiyan mo?" galit na sabi nito sa kanya.
"Wha –" hindi naituloy ni Elaina ang sasabihin dahil pakiramdam niya ay nag – init ang tenga niya sa narinig na akusasyon nito.
"God damn it, Elaina! You are pregnant with my kids and this is what you do?!" galit na galit pang sabi nito.
"I am not flirting! He came here just to visit me. And he is my client and also a friend. I don't see anything wrong with that," pinigil niya ang nararamdamang galit.
"Is he the reason why you don't want to get married? O baka naman talaga alam mo na hindi ako ang tatay ng dinadala mo?"
Malakas niyang sinampal si Lorenzo ng marinig iyon. Hindi niya namalayang nag – uunahan ng maglandas ang mga luha sa mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/83414048-288-k862749.jpg)
BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
RomanceAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...