Hi Guys! It's Philip here. Last time pinag-usapan natin ang respect for girls. Sinabi ko rin na pag may nakita tayong babaeng "burara" imbis na pagpiyestahan, tulungan natin silang maging karespe-respeto. Eh kaso paano nga naman kung hindi kayong dalawa, wala nga naman tayong karapatan na pagsabihan sila.
Yan naman ang mahirap eh, "Walang kayo!" Nagkita ulit kami ni Sara, siya yung babaeng nakasabay ko sa jeep at bago kong katrabaho, sa reception siya nakaassign, ako naghahatid ng baggage ng mga nagchecheck-in sa hotel. Ok balik sa kuwento ko, lunch time yun at bago ako pumunta sa locker nakasalubong ko siya na may kausap na babae. Nagulat ako ng marinig ko ang matitigas na mura mula sa bibig ng isang magandang dilag. Hindi ko mapigilan ang sarili kong sitahin siya pero ang sabi niya, "Wala kang pakialam." Ang hirap, ikaw na nga itong gustong itama ang mali niya, ikaw pa yung tinaboy. Alam niyo guys, ang babae ngayon minsan di mo na mabasa. Gusto nila huwag silang pakialamanan, eh hindi ganun ang love, ang love gusto mo gawin ng mahal mo ang tama para sa ikabubuti nila. Yun ang gentleman, pero kung ikaw hinahayaan mo yung girlfriend mo na ganyan at masaya ka pa kung sino siya ngayon then I can confidently that you are not a gentleman and you don't really love her. Kapag gentleman ka, mahal mo o hindi mo mahal, gusto mo gawin ang tama para sa babae.
Mahirap kasi hindi kayo, pero dapat subukan natin. Kung wala talaga, we have to accept. Di ko maintindihan ang mga babae ngayon, alam nila ang tama sa mali pero ganun pa rin at pinipili nila ang mga lalaking wala sa ayos. Ganyan talaga ang buhay but we have to accept it guys...
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomanceIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.