Day 19

9 1 0
                                    

Birthday ko na bukas mga brad. Ngayong araw ako nag-imbita ang kaso eh.....una kong inimbitahan si Sara nung kumain kami ng lunch kanina. "Punta ka bukas sa bahay, kain lang tsaka inom. Birthday ko kasi..." wika ko. "Ay ganun ba. Sayang hindi ako puwede bukas kasi may lakad ako, ililibre na lang kita sasusunod." wika ni Sara. "Ahh sige." sagot ko.

Pag-uwi ko sa bahay tinawagan ko si Reden. "Hello pare, punta ka bukas dito sa bahay inom tayo." "Ay oo nga pala. Advanced Happy Birthday Philip. Hindi ako puwede bukas eh may date kami ni Janet. Gusto ko nga pala magthank you sayo kasi dahil sayo nagkaayos kami. Babawi na lang ako sasusunod pare!" wika ni Reden. "Ahh sige bye." paalam ko. Pagkatapos nun ay tinawagan ko naman si Donald. "Hello Donald, gusto sana kitang imbitahan bukas dito sa bahay ko, birthday ko kasi." "Ay sorry pre, di ako puwede bukas kasi may family reunion kami tapos balak ko ng dalhin si Kate. Sorry talaga, bawi na lang ako sasusunod." sagot ni Donald. "Ahh sige pare. Goodluck bukas." Pagkatapos ay tinawagan ko naman si Vince. "Inom tayo bukas Vince." "Pare di ako puwede bukas kasi 2nd date namin ni April, yung babaeng kinuwento ko sa inyo. Alam mo namang importante ang 2nd date....bakit ba?" tanong ni Vince. "Birthday ko kasi bukas pare. Pero sige ok lang, enjoy!" sagot ko. "Advanced Happy Birthday pare! Gotta go." paalam ni Vince.

Wala na yata akong makakasama bukas sa birthday ko pero may isang tao pa akong hindi naiinvite. "Hello Audrey, kamusta?" "Ok lang, bakit napatawag ka?" tanong ni Audrey. "Gusto sana kitang imbitahan bukas dito sa bahay kasi birthday ko." wika ko. "Bakit di mo kaagad sinabi? Hindi ako puwede bukas eh kasi may lakad ako kasama yung kababata ko si Abraham." sagot ni Audrey. "Ahh ganun ba, sige." "Babawi na lang ako sasusunod, bye." paalam ni Audrey.

It seems that wala talagang nagpaprioritize sa akin. I'm gonna be alone for tomorrow, pero sabi nga nila enjoy what you have.

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon