Good Morning Everyone! Actually hindi ko alam kung may good ba sa morning ko. Birthday ko ngayon pero walang ganap. Kaya nga ang aga kong magsulat dito sa diary eh. Si mama ang pinakaunang bumati sa akin ngayon. Eh kahit naalala ako ni mama nasa probinsya naman siya. Binati na rin ako ng barkada pero dahil nga may mga lakad sila kaya di kami makakapagkita-kita. Minsan naisip ko, may halaga ba ko sa mga tao. Siguro wala, kasi wala nga akong girlfriend eh. I am alone for my birthday, ano kayang puwede kong gawin. Watch a movie, drink, eat pero iba pa rin kasi pag may kasama ka.
Teka teka, parang may kumakanta sa labas ah. At parang kilala ko yung boses na yun.....
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A very good evening to all of you! It turns out na masaya pa rin ang birthday ko. God really likes surprises and what I am talking about is kanina, kaya naputol ang pagsusulat ko dahil may nangyari.
"Uso pa ba ang harana, marahil ikaw ay nagtataka, sino ba 'tong mukhang gago, nagkandarapa sa pagkanta, at nasisintunado sa kaba. At mayroong pang dalang mga rosas, suot nama'y maong na kupas, at nariyan pa ang barkada, naka-porma naka-barong, sa awiting daig pa ang minus one, at sing-along. Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa ng hangin, sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw, at sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo, binubuhos ko ang buong puso ko, sa isang munting harana, para sa'yo." kanta ni Audrey habang tumutugtog ng gitara kasama si Sara. "Audrey! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Hindi pa ba obvious, hinaharana ka syempre. Happy Birthday!" wika ni Audrey. "Bakit? Para saan? Dahil birthday ko?" tanong ko. "Oo tsaka ang bagal mo kasi eh kaya ako na ang gumawa ng aksyon." tugon ni Audrey. "Pero akala ko wala kang gusto sa akin, akala ko may lakad ka kasama yung Abraham." wika ko. "Hahaha ako si Abraham, screen name ko yun." sagot ni Sara. "Di ba asawa ni Abraham si Sara sa Bible. At yung lakad namin ni Abraham, eto na yun, papunta sayo. Alam mo Philip maraming namamatay sa maling akala. Siguro hindi nagwork out yung mga past mo pero sana bigyan mo ko ng chance. Can I be your girlfriend?" tanong ni Audrey. And to think that I never expected this to happen at birthday ko pa. "Oo, wala naman yata akong choice eh, pumasok na kayo oorder ako ng pagkain." sagot ko. "Ay grabe, Mr.Philip ingatan mo ang puso ko ha, you're my first and I want you to be my last." wika ni Audrey. "I love you." sagot ko.
Pagkatapos ay umorder ako ng pagkain. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami. I never expected na ganito ang mangyayari sa akin ngayon. Sometimes, expect the unexpected but don't expect it because it won't happen. Magulo, pero yun ang nangyayari. Biruin niyo babae na ang lumapit sa akin, sa mga ganitong pagakakataon boys, kung gusto niyo naman ang babae huwag na kayong umarte baka pairalin niyo pa ang pride niyo, makakawala pa ang isda. Another thing, take your chance, hindi kailangang magmadali pero huwag din sobrang kupad. Lahat ng minamadali madali lang din nawawala, kapag mabagal naman kayo, baka maunahan pa kayo ng pagong. Laging tandaan na ang grasya ng Panginoon ay nasa paligid lang, pakiramdaman niyo pero minsan darating yan sayo ng kusa in God's time. Tulad sakin, umasa ako sa isang babae sa matagal na panahon yun pala iba ang ibibigay sakin. Kaya sa mga wala pang partner dyan, huwag mawalan ng pag-asa at para dun sa mayroon na, makuntento na kayo. Be happy in every step of the way in your life. Kahit may girlfriend na ako, hindi ko pa rin isasara ang diary ko, fro time to time I will still give advices and I will still share to you my life story, hindi pa naman tapos ang buhay ko eh. Goodnight everyone and see you next time.
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomanceIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.