Day 13

7 1 0
                                    

Well, today has been a great day. Syempre uumpisahan ko kaninang umaga. Tinext ako ni Audrey, sabi niya magkita daw kami sa Alabang. Syempre, nagbihis ako ng maayos. Polo shirt na green na may white na kuwelyo, maong pants at white rubber shoes. Pagdating ko sa terminal ng bus, nakita ko siyang naghihintay. Nakatalikod siya, may dalang gitara, nakablack shirt at maong pants din. Binati ko siya at tinanong ko kung saan kami pupunta. Hindi niya sinagot pero ang bus na sinakyan namin ay biyaheng Batangas.

Ako ang nagbayad ng pamasahe pagkatapos ay nag-usap kami. "So marunong ka pala tumugtog ng gitara?" tanong ko. "Di ba halata......nagtetext ka na di mo muna binabasa yung nakasulat sa calling card." Kinuha ko ang calling card na ibinigay niya sakin. "Ay oo nga......multi-talented ka pala, marunong ka pala kumanta, maggitara at tumugtog ng drums." pagbati ko sa kanya. "Well, salamat." sagot ni Audrey. "So trabaho mo na pala tong ganito, wala kang kabanda o anything." tanong ko. "May nagyaya sakin dati pero di ko tinanggap, mga itsura kasi nila parang manloloko lang puro lalaki pa naman." sagot ni Audrey. "Ahh oo nga naman." tugon ko. "Masaya na rin ako sa pagtuturo ng vocals, guitar, at drums bukod sa trabaho, passion ko na rin ito eh. Ikaw anong hobby mo?" wika ni Audrey. "Well hobby ko talagang tumulong sa mga taong nangangailangan, di man financially kahit emotionally, mentally, spiritually." sagot ko. "Grabe ang lalim ng hobby mo hahaha. But seriously, maganda naman yung hobby mo at bagay yun sa pupuntahan natin." wika ni Audrey. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tumigil sandali ang bus dahil may sumakay na nagbebenta ng chicharon. Bumili ako ng dalawa at binigay ko ang isa kay Audrey. "Basta, malalaman mo mamaya pagdating natin dun." sagot ni Audrey.

Makalipas ang marami pang usapan dumating na rin kami sa aming pupuntahan. "Nandito na tayo, kung saan ako lumaki....." wika ni Audrey. Kami ay pumunta sa isang bahay ampunan. "Dito ka lumaki.....", pagtataka ko, "Wala kang pamilya." "Meron, nandito ang pamilya ko. Halika, pasok tayo." masayang wika ni Audrey. Habang naglalakad ay nagkukuwento siya, "Dito rin kami nagkakilala ni Sara, mas nauna nga lang ako dito. Kasi baby pa lang, dito na ako nakatira. Pero masaya naman ako kasi, tinuring talaga nila kong pamilya at alam kong may babalikan ako. Kaya pag may free time ako tumutugtog ako dito, every month dapat kahit isang beses nakabisita ako dito." May nakasalubong kaming madre na bumati sa kanya. "Audrey! Welcome back, talagng di mo kami nakakalimutan ha." "Oo naman po Mommy Leonora." sagot ni Audrey. "At may kasama ka pa ngayon ha, boyfriend mo na ba to." tanong ng madre. "Ay hindi po mommy friend lang." iwas ni Audrey. "Ahh ganun ba, o sige tuloy na kayo, pero ikaw iho ha ingatan mo si Audrey." paalala sa akin ng madre. Nagpatuloy na kami sa paglalakad, "Pasensya ka na ha, kay Mommy Leonora kasi talagang protective lang siya." wika ni Audrey. "Ay no problem, pero tanong ko lang.....bakit mommy tawag mo sa kanya?" tanong ko. "Ahh si Sister Leonora kasi ang pinakamalapit sakin dito, tapos inampon na niya ko kaya gamit ko ang apelyido niyang Villarica." paliwanag ni Audrey.

Dumating na kami sa parang isang multi-purpose hall. Doon naglalaro ang mga bata. "Hi kids! Nandito ulit ako, may dala pala akong mga biscuits sa inyo!" bati ni Audrey. "Salamat po Ate Audrey!" sagot ng mga bata. "Eto nga pala ang kaibigan kong si Philip." pakilala sakin ni Audrey. "Pasensya na kayo ha wala akong dalang kahit na ano for you kasi di ko naman alam na dito pala kami pupunta ni Ate Audrey." wika ko sa mga bata. "O simulan na natin ang kantahan!" wika ni Audrey. Kumanta si Audrey ng "All Of Me" at ako'y naantig sa kanyang pagkanta. Pangalawang kinanta niya ang "Count On Me". Habang kinakanta niya ang "Count On Me" napansin kong umiiyak ang isang bata, kaya't nilapitan ko ito, "Hi! Bakit ka umiiyak?" Di ito sumasagot pero nakita kong hawak niya ang isang laruang manika pero sira na. "Iyan ba ang problema? Hayaan mo bibilhan na lang kita ng bago at mas maganda, pero sa ngayon enjoyin muna natin ang kantahan." wika ko. "Salamat po!" sagot ng batang babae. Pagtingin ko kay Audrey, nakatingin din siya sa akin at bigla siyang nagwika, "Gusto niyo ba si Kuya Philip naman ang kumanta?" "Opo!" sagot ng mga bata. Tinitigan ko si Audrey na tawa ng tawa. "O ikaw na raw ang kumanta." Dahil dito napilitan na rin akong kumanta. Kinanta ko ang "You" ni Basil Valdez. Habang kumakanta ay tinititigan ko si Audrey. "It's your smile, your face, your lips, that I miss, your sweet little eyes that stare at me and make me say 'I'm with you through all the way' ....." Habang kumakanta ako ay naggitara siya at kumanta. Pagkatapos noon ay nagkainan na kami at umalis na rin kami ng hapon.

Hinatid ko ulit siya at bago siya nagpaalam ay may sinabi siya, "Philip, thank you for today, ito yung first time ko na sobrang saya na pumunta dun sa bahay ampunan. Ok ka rin pala, napasaya mo rin yung mga bata, kaunting practice lang sa vocals, mura lang sakin ang tutorial hahaha. Seriously, thank you, thank you talaga." "Your welcome, bye." paalam ko.

Mga lalaki at babae, one thing that you should know for a harmonious relationship is pantayan mo yung interest niya. Kung mahilig siya sa action movies o horror edi mag-adjust ka kahit kaunti, both should compensate. Wala namang mawawala kung sasakyan mo yung trip niya, lalo na kung wala namang masama. Maganda nga yung nagkakasundo kayo sa mabuting sa gawain ibig sabihin yung saya niyo hindi galing sa sama. Just try your best na sakyan ang trip ng partner niyo o nililigawan niyo. Pero sabi nga ng iba dyan, "Makakahanap ka ng kapareha mo." Pero wala namang dalawang taong magkaparehas na magkaperahas kaya talagang kailangan mag-adjust. Hay, today is a happy day for me, hanggang ngayon siya pa rin naiisip ko. Tulog na nga tayo mga brad...

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon