Ngayon ang araw ng padespidida ko sa aking mga kaibigan. Actually bahay ko lang naman ang ginamit, kasi sabi ng barkada sila na daw ang bahala dahil gusto nilang makabawi dahil di sila nakapunta nung birthday ko. Tinulungan ako ni Audrey mag-ayos-ayos sa bahay. Maya-maya dumating na si Reden kasama ang girlfriend niyang si Janet. May dala silang pancit sotanghon na alam ni Reden na gusto ko. Ipinakilala ko si Audrey sa kanila. Sumunod na dumating si Vince kasama ang girlfriend niyang si April. Ipinakilala niya sa amin si April pagkatapos ipinakilala ko si Audrey. Si Vince ang nagdala ng alak. Dumating din si Sara na inimbitahan ko. May dala naman siyang cake at ice cream na pinabili ni Audrey. Huling dumating si Donald kasama ang girlfriend niyang si Kate. Ipinakilala ko ulit si Audrey. Si Donald naman, nagdala ng lechon belly.
Ang mga babae ang nag-uusap-usap sa sala, kaming mga lalaki sa labas. "O mga pare, hindi ako ang last na dumating ngayon, si Donald ang last." wika ni Vince. "Kaya nga, for the first time. Dahil dyan si Donald ang unang shashot at ikaw na rin ang unang magkuwento." sabi ni Reden. Uminom si Donald, "Hay, una gusto ko munang icongratulate si pareng Philip hindi lang dahil sa aalis na siya papuntang abroad, dahil sa wakas may girlfriend ka na! Congrats pare alam kong matino ka, alam kong siya na." "Salamat Donald." sagot ko. "Oo nga pala, so siya pala. Nakuwento mo na samin pero ngayon lang namin nakita dahil ngayon lang ulit tayo nagkita." wika ni Vince. "Pero pare ako........gusto kong magthank you sayo dahil sa tulong mo nagkaayos kami ni Janet. Kaya ka pinagpapala eh, kaya kung ikaw naman ang may problema o kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang sakin." seryosong wika ni Reden. "Pero matanong ko lang muna Philip, kayo ba ni Audrey nagkaproblema na?" tanong ni Vince. "Oo naman. Lahat naman ng relasyon nagkakaroon, nakadepende lang iyan kung paano niyo sosolusyunan." sagot ko. "Philip ako rin, gusto kong magpasalamat sayo dahil sa payo mo nabigyan ako ng lakas ng loob na ipakilala si Kate sa pamilya ko. At it turns out na natanggap din naman nila si Kate." pasalamat ni Donald. "O di ba sabi ko naman sayo na maiintindihan ka rin nila." sagot ko. "Well, magpapasalamat na nga rin ako sa payo mo sakin dati. Ngayon kami na ni April." wika ni Vince. "Hahaha parang napilitan ka lang Vince ah. Basta huwag mong lokohin yung girlfriend mo tulad ng ginawa mo sa iba." tugon ko. Nagtawanan kaming lahat, pagkatapos ay nagpatoast si Reden para sa akin.
Ang mga babae naman ay masayang nagkukuwentuhan sa loob. Unang umalis sina Donald kasi tumawag na ang tatay niya, urgent sa trabaho. Sumunod na umalis sina Reden. Si Vince at April ay gabi na umalis. Si Sara tinulungan pa kami ni Audrey maglinis pero umalis na rin siya pagkatapos. Ang despidida ay handaan para sa aalis, pero imbis na maging malungkot, be happy na lang.
Bukod sa despidida may isa pa kong gustong ipoint out sa inyo. Ito ang pagtulong sa iba. Pisikal, mental, emosyonal, o kahit na anong problema pa yan, kung kaya nating makatulong, gawin natin. Just like what I did, I helped my friends at masarap sa pakiramdam na marinig ang "thank you" mula sa natulungan mo. Being a gentleman, dapat initial action natin ang pagtulong sa iba. Goodbye everyone..........................hindi sa Pilipinas ah, sa araw lang na to, end of the month pa ang alis ko eh.
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomanceIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.