Today is saturday at ito po ang ating Day 14. Nagyaya ng lunch kanina si Sara dahil gusto daw niya ako makausap.
"O so ano naman ang gusto mong pag-usapan?" tanong ko. "Sus alam mo na kung anong sasabihin ko." natatawang sagot ni Sara. "Ano nga, hindi naman ako manghuhula." tugon ko. "Well balita ko dinala ka ni Audrey sa bahay ampunan kahapon, kamusta naman?" masayang wika ni Sara. "Well, ok naman..." natatawa kong sagot. "Yun lang! Magkuwento ka naman." sagot niya. "Ano bang gusto mong malaman?" tanong ko. "Yung buong nangyari..." sagot niya. "Well, nung thursday kasi niyaya ako ni Audrey, may pupuntahan daw kami na hindi ko alam yun pala doon sa bahay ampunan.....pero masaya naman." tugon ko. "Teka, hindi mo alam nung una kung saan kayo pupunta eh bakit sumama ka?" mapang-asar na tanong ni Sara. "Eh....." "Eh kasi may gusto ka na kay Audrey. Sabi ko na nga ba eh!" malakas na wika ni Sara. "Uy ang ingay nito." tugon ko. "So totoo nga, yes!" natutuwang wika ni Sara. "Talagang 'yes' ah." tugon ko. "Syempre naman, botong-boto kaya ako sayo." sagot niya. "Oo nga, nasabi nga ni Audrey sakin. Bakit naman?" nagtataka kong naitanong. "Ewan ko, feeling ko kasi ikaw yung perfect para kay Audrey." "PERFECT! Grabe ka naman walang perfect." sagot ko. "Eh basta, tsaka feeling ko may gusto rin yun sayo ayaw pa lang magsabi. Tsaka isipin mo nakatatlong date na kayo, may gusto rin yan." wika ni Sara. "Sus, wag muna nating bigyan ng meaning ang mga bagay bagay, mahirap na. Tsaka bakit mo sakin to sinasabi?" tanong ko. "Eh boto nga kasi ako sayo. Tsaka dinala ka na niya sa bahay ampunan. Pero tandaan mo lang, kaya hirap mamili ng boyfriend yang si Audrey dahil sa background niya na wala siyang pamilya." malalim na wika ni Sara. "Ok salamat, sa pagsasabi nito sakin." tugon ko. "Oo wala yun, boto naman ako sayo, hintayin lang natin si Audrey." sagot ni Sara.
Tip ko lang sa inyong lahat, hindi lang comfort ng mismong babae ang kailangan niyo pati mga kaibigan niya o kahit na sinong close sa kanya like family dapat kumportable sa inyo. Big factor yun pag boto sila sayo kasi ilalakad ka talaga nila kahit di ka pa humihingi ng tulong sa kanila. So that's all for today...
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomanceIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.