Today is the day. Alam niyo na kung anong ibig kong sabihin. Ngayon ang araw na umuwi ako.........allow me to tell you what happened.
"Hi Audrey!" bungad ni Janet. "Oh Janet napatawag ka, anong meron?" sagot ni Audrey. "Ahh birthday ko kasi ngayon, punta ka sa MOA itetext ko sa'yo kung saan tayong restaurant." wika ni Janet na girlfriend ni Reden. "Naku nakakahiya naman sa'yo" wika ni Audrey na nahihiya pa daw. "Hindi ok lang, pumunta ka, tayo-tayo lang naman nina Kate at April." pilit ni Janet. "Ahh ok sige." sagot ni Audrey, samantalang kanina pabebe pa yan.
Pagdating ni Audrey sa tapat ng resto na tinext ni Janet, "Ito yung favorite kong restaurant ah."
Pagpasok ni Audrey nandoon na ang tatlong babae at handa na ang pagkain. "I'm sorry, late na pala ako." "No no no, your just in time." tugon ni Janet. Dumating naman sina Reden, Donald, at Vince. "Nakakainggit naman kayo, kasama niyo mga partner niyo." pabirong wika ni Audrey. Hindi niya alam na nandoon na pala ako sa likod niya. Sinimulan kong tumugtog ng gitara, "Uso pa ba ang harana........." Lumingon si Audrey at nagulat ng makita ako. Hindi siya makapagsalita at mahahalata mo sa mukha na naluluha pero natutuwa. Itinuloy ko ang kanta at sinabayan ako ng barkada. Nang matapos ang kanta ako'y nagsalita, "May utang pa kong harana sa'yo eh di ba.......talagang inaral ko maggitara." "Nakakainis ka naman eh. Bakit di mo sakin sinabi na uuwi ka na pala?" tanong ni Audrey. "Edi hindi na naging surprise." sagot ko. "Ibig sabihin, hindi talaga birthday ni Janet ngayon. Set up lang lahat ng to." tanong ni Audrey. "Yep." maikling sagot ni Reden. "Tara may surprise pa ko sayo." pagyaya ko kay Audrey.
Pumunta kami sa parking, nagulat si Audrey ng pumasok ako sa isang kotse. "Halika na, pumasok ka na." wika ko kay Audrey. "Weh! Sayo nga to?" gulat niyang tanong sakin. "Hindi, sa ating dalawa to. Pumasok ka na may isa pa kong surprise." Pumasok na si Audrey at nagsimula na kong magdrive.
Nagpunta kami sa isang brand new house. "Buksan mo na." wika ko kay Audrey sabay abot ko ng susi. Hindi na siya makapagsalita at umiiyak na binuksan ang pinto. "Ito ang magiging bahay natin, pagnagkapamilya na tayo, yun ay kung pakakasalan mo ko." wika ko kay Audrey. Tumingin siya sakin at ako'y lumuhod. "Will you marry me?" tanong ko sabay labas ng singsing. Hindi na niya kailangang magsalita, niyakap na lang niya ko at sinuot ang singsing. Alam niyo ba natatawa ko kay Audrey kasi hanggang ngayon speechless pa rin siya.
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
Roman d'amourIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.