Day 330

5 1 0
                                    

Merry Christmas Eveyone! It's December 25, the most special day of all. Christmas is the Birth of Christ. Usually we spend it with our love ones. Ito ang araw ng pagbibigayan. Nandito pa rin ako sa Qatar, pero nagleave ako. Syempre di ko nakalimutang magpadala sa nanay ko ng pera, tinawagan ko rin siya. Ang nanay ko hindi nag-iisa dahil marami siyang kaibigan dun. Nagpadala rin ako ng pera kay Audrey, hindi lang para sa kanya, pati para sa bahay ampunan. Naalala niyo yung batang babaeng pinangakuan ko ng laruan, sinabi ko bilhan na niya. Dun sa bahay ampunan nagcelebrate ng pasko sina Audrey at Sara. Nagvideo-call ako sa kanya. Alam niyo ba, sobrang saya dun, I wish nandun na lang ako kasama sina Audrey at yung mga bata. Tapos kumanta pa sila ng Christmas songs habang tumutugtog ng gitara si Audrey. At ang pinakaheartwarming sa lahat ay nung nagpasalamat yung batang babae sakin. Nagsorry pa nga ako kasi natagalan bago ko siya maregaluhan.

Ano man ang nangyari sa pasko niyo, ang mahalaga naging masaya kayo at you spent it with your love ones. Yun ang mahalaga, in these types of occasions makasama niyo ang mahal niyo sa buhay. Hindi ko man kasama sina mama at Audrey personally pero ginawan ko pa rin ng paraan para makabond ko sila. And another important thing in Christmas, is yung gift giving. It's the spirit of Christmas, hindi lang pagiging gentleman.

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon