Day 17

9 1 0
                                    

Ngayon umuwi ako sa probinsya namin sa Quezon. Binisita ko ang nanay ko na nabalitaan kong may sakit. Overnight lang ako dito kasi syempre may pasok ako.

"Ma, kamusta na? Balita ko may sakit daw kayo." bati ko sa aking ina. "Philip anak, napadalaw ka. Medyo masakit nga ang katawan ko, kahapon pa. Akala ko nakalimutan mo na ako eh." wika ng aking ina. "Kayo, makakalimutan ko! Syempre hindi ko makakalimutan ang pinakamamahal kong babae sa mundo. Hindi ko rin nakalimutan na dalhan kayo ng buko pie." wika ko. "Salamat anak, alam ko na. Alam kong pagod ka sa biyahe, ipagluluto kita ng sopas." wika ng aking ina. "Huwag na, kaya nga ako pumunta para alagaan kayo tapos magpapagod pa kayo." "Eh minsan ka lang dito at alam kong paborito mo ang sopas ko." Pinilit pa rin ng aking ina ang kanyang gusto.

Preciosa Peñamente ang pangalan ng aking ina at siya lamang ang kaisa-isang bababeng talagang nagmamahal sa akin ng totoo. Kaya grabe ang galit ko sa aking ama ng malaman naming nambababae siya. Hinanda ng nanay ko ang sopas at kumain kami. "Ikaw, wala ka pa bang girlfriend? Di mo pa ba ako bibigyan ng apo?" pabirong tanong ng aking ina. "Wala pa eh, baka nga tumanda na kong binata." " Huwag kang magsalita ng ganyan. Alam ko kailangan mo na ng partner, wala ka bang nililigawan. Alam mo kasi baka mawala na ako, sinong mag-aalaga sayo." wika ng aking ina. "Ma! Hindi kayo mawawala......eh meron akong dinidiskartehan pero baka wala rin yun." wika ko. "Sus, wag ka munang magsalita ng tapos. Gusto ko na sa sunod na pumunta ka dito, may kasama ka ng girlfriend." wika ng aking ina. "Eh alam niyo namang kayo lang ang babae ko eh..." biro ko sa aking ina.

Sabi nila bago ka daw magmahal ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo at ang pamilya mo. Bago kayo manligaw, huwag niyong kakalimutan ang pamilya niyo lalo na para sa mga lalaki ang inyong ina. Dahil bago kayo makilala ng partner niyo ngayon o ng magiging partner niyo, mga magulang niyo ang nag-alaga sa inyo at nagpalaki sa inyo. Ang isang tunay na gentleman, family first. Matutong mahalin ang mga magulang at ibalik niyo ang mga naibigay nila hindi man lahat kahit utang ng loob lang.

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon