So alam niyo naman siguro amg nangyari kay Sara kahapon, kaya kagabi bago ko natulog tinext ko si Audrey about it kasi concerned talaga ako. Kaya kanina nagmerienda kaming dalawa at pinag-usapan namin yung tungkol kay Sara.
"Alam mo sobra talaga akong naaawa kay Sara eh. Kasi sobra siyang affected kasi close daw talaga sila nung babaeng yun. Pero alam mo marami na ring rineject si Sara eh, maraming lalaking nagsubok na ligawan siya pero dahil nga tomboy siya kaya nireject niya." wika ni Audrey. "Kaya nga sinasabi ko kay Sara na maganda na ring rineject siya kaagad at hindi siya hinayaang umasa sa wala." sagot ko. "Oo nga tama ka dun." sagot niya. "Eh kamusta ka naman?" tanong ko. "Bakit mo naman naitanong?" sagot ni Audrey. "Masama bang mangamusta?" tanong ko. "Well wala namang masama, nakakapagtaka lang.....ok naman ako." sagot niya. "Ahh ok, alam mo nasabi sakin ni Sara na No Boyfriend Since Birth ka pa daw. Bakit naman?" tanong ko kay Audrey. "Sinabi niya yun sayo!?!?" gulat na tanong ni Audrey. "Obvious naman di ba, share mo naman sakin kung bakit." pagpilit ko. "Bago ko ishare ikaw muna, alam mo grabe ang pagpromote ni Sara sayo sa akin at alam mo never siyang bumoto sa kahit na sinong nanliligaw sakin. Bakit kaya sa tingin mo?" tanong ni Audrey. "Well maybe, maybe lang ha. Baka kasi nakikita niya ang standards mo sa isang lalaki sa akin." naiilang kong sagot. "Wow grabe ha, FYI lang, hindi nga nakikita ng mga mata ko sayo ang pagiging gentleman eh." "Ahh so ibig sabihin, yun ang hinahanap mo sa isang lalaki, yung gentleman kaso wala kang mahanap na ganun." sagot ko. "Oo wala talaga!" wika ni Audrey. "Bakit ano ba para sayo ang ibig sabihin ng salitang gentleman?" malalim kong tanong. "Basta hindi katulad mo." sagot ni Audrey. "Ok ganito na lang, hindi mo pa kasi ako nabibigyan ng chance na ipakilala sayo kung sino talaga ako eh." pagmamalaki ko. "Ok, kung gusto mo ng chance, bukas magkita tayo at may pupuntahan tayo." wika ni Audrey. "Ok sige , text mo lang ako." sagot ko at pagkatapos ay naghiwalay na kami.
So ang main lesson for today, if you want to win a girl, first of all kailangan maging kumportable sila sayo. Kailangan mont iparamdam na secure ang babae sayo. Once you win her comfort, madali ng gumalaw. Alam ko na ang tanong ng iba, "Paano ko yun gagawin Philip?" Pasayahin mo siya, making her happy is the first way para makuha ang comfort niya. Ialok mo ang sarili mo sa kanya kapag may mga problema at kailangan siya. Kung di mo talaga makuha ang comfort niya, mahirap na usapan yan, kasi nagpapabebe pa ang babae. Take note, huwag niyong hayaang umabuso sila at maging overcomfortable sa inyo ha. Huwag mabulag sa false love. Goodnight and that's all for today......
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomanceIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.