Ngayon ang araw na uuwi na ko dahil kinabukasan may pasok na ako. Kanina habang nasa bus ako, may nakatabi akong lalaki na problemado. May kinausap siya sa cellphone na parang galit, pagkatapos niyang makipag-usap sa cellphone ay parang naiinis ang lalaki.
"Hay mga babae talaga, hindi naman nila maiintindihan." wika sa akin ng lalaki na mas matanda sa akin ng mga sampung taon. "Bakit po? Maaari ko po bang malaman ang problema niyo baka makatulong ako." wika ko. "Yung asawa ko kasi yung tumawag, hinahanap na niya ako..." "Eh ano naman pong problema dun." tanong ko. "Ang problema wala pa akong perang maibibigay sa pamilya ko, kaya nga ako umuwi dito sa probinsya, nagbabaka-sakali akong makahiram ng pera kaso wala. Alam kong pag umuwi akong walang dalang pera, magagalit ang asawa ko. Kaya bago ako umuwi naghahanap ako ng paraan." wika ng lalaki. Nilibre ko siya ng juice upang mahimasmasan. "Alam po ba ng asawa mo na nahihirapan ka na maghanap ng pera?" tanong ko. "Ang alam lang niya naghahanap ako ng trabaho, ayoko rin naman sabihin sa kanya dahil ayoko siyang bigyan ng problema. Ako ang lalaki at ako dapat ang gumagawa ng paraan ukol sa pera." wika ng lalaki. "Kuya, hindi naman po sa dinidiktahan ko kayo, pero naisip niyo po ba na sa ginagawa niyo ngayon eh nasisira niyo ang relasyon niyo ng asawa niyo. Sasabihin ko lang po ang sa tingin kong solusyon. Sa tingin ko po mas maganda kung sasabihin niyo sa asawa niyo. Siya ang partner niyo, dapat alam niya kung anong nangyayari sa inyo. Maiintindihan naman niya kasi mahal niya kayo. Minsan mas nagagawan ng paraan ang mga bagay kapag may katulong kayo at the best na makakasama niyo ay ang asawa niyo. Huwag niyo pong pairalin ang pride niyo, sa isang relasyon dalawa kayong pumasok at dapat dalawa kayo all the way." payo ko sa lalaki. "Salamat sayo, ang dami mong alam ah, may girlfriend ka na ba?" tanong ng lalaki. "Ahh wala po..." sagot ko. "Akala ko meron eh....pero tiyak kong masuwerte ang babaeng magiging girlfriend mo. Salamat ha, siguro nga tama ka, uuwi na ako sa amin." wika ng lalaki.
Para sa mga lalaki, huwag niyong pairalin ang pride niyo sa buhay niyo. May mga oras na dapat tayo ang magtake responsibility pero kung involved naman ang ibang tao tulad ng kaibigan, pamilya o partner mas maganda kung pag-uusapan, wag sarilihin. Lalo na pagdating sa partner, ayaw ng partner niyo na tinatago niyo ang problema niyo sa kanila at vice versa, nagagalit tayo pag ayaw sabihin ng partner natin ang problema nila. One rule for a harmonious relationship, dapat open kayo sa isa't isa ng karelasyon niyo.
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
عاطفيةIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.