Hello and welcome to our Day Number 5. Ngayon mayroon tayong pag-uusapan na related sa ikukuwento ko. After umalis ni Kristine noong araw na nagtanong ako kung ano ba kami syempre di naman basta tapos na yun. Hinabol ko siya at tinanong ko siya, "Bakit may problema ba? May problema ka ba sakin?" "Wala akong problema sayo Philip, hindi ko pa kaya, if it's meant to be naman, it will be." sagot niya.
Yun ang last words niya sa akin. "If it's meant to be, it will be." Tumatak sa isip ko ang kasabihan na iyon. Oo, tama nga naman, kung kayo talaga ang para sa isa't isa magkikita at magkikita talaga kayo. Maraming mag-asawa ngayon ang naranasan din ang ganoong sitwasyon. Ang iba sampung taon na ang nakalipas bago sila nagkakita ulit pero ang masaklap, complicated na ang buhay nila. May tanong ako, Bakit kailangan mo pang maghintay ng isang buwan, dalawang buwan, isang taon, dalawang taon, tatlong taon, limang taon, isang dekada para maging kayo kung puwede namang ngayon na? Bakit kailangan pang patagalin? Minsan sa tagal ng paghihintay marami ng nangyari. Sabi ng tito ko, "Oo kailangan maging patient ka sa mga bagay-bagay pati sa relasyon pero hindi dapat sobrang tagal kasi maraming puwedeng mangyari. Ang tao di napapagod magmahal pero maghintay oo. Isipin mo, tatagal ang relasyon kapag ang lalaki ay nagbibigay ng pagmamahal sa babae at kapag ang babae ay nagbibigay ng pagmamahal sa lalaki pero kung ang lalaki nanliligaw pa lang sa babae at sobrang tagal magdesisyon ni babae, ang nangyayari unti-unting napapanis ang love na gustong ibigay ni lalaki kay babae. Gets mo."
Ang topic na ito ay di lamang para sa mga babae pati na rin sa lalaki. Kapag may oppurtunity, take it. Maghihintay pa ba kayo ng ibang chance? Malay niyo sa tagal ng paghihintay niyo wala na pala.....
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomanceIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.