Day 22

6 1 0
                                    

Today is Sunday, may date kami ni Audrey pero syempre una muna ang date ko kay God. While waiting again for the 7am mass, nagdadasal ako, saying thank you for the life God has given me, for giving me a loving and understanding mother, and for giving me Audrey. May babaeng tumabi sa akin, mas bata sakin siguro mga 17 or 18. She is also praying. Pagkatpos niyang magdasal ay kinausap niya ko.

"May girlfriend na po ba kayo? Hindi po sa nanghihimasok ako or anything..." wika ng babae. "Mayroon.....sa tingin ko may problema ka." sagot ko sa babae. "Paano niyo naman po nasabi?" "Nararamdaman ko sa kilos mo.....baka makatulong ako." wika ko. "Mayroon po kasi akong nagugustuhang lalaki, ang kaso yung lalaki parang wala namang gusto sakin. Gusto ko sana umamin dun sa lalaki kaso nahihiya po ako, syempre ako yung babae tapos ako pa mauuna." wika ng babae.

Medyo naiintindihan ko ang babaeng ito, dito sa Pilipinas iba ang tingin pag babae ang nauunang lumapit sa lalaki. "Anong pangalan mo?" tanong ko. "Nicole po." "Ok Nicole, una sa lahat naiintindihan kita dahil babae ka at iba ang magiging tingin sayo pag ikaw ang unang lumapit. Pero di ba gusto ng mga babae ng equality, eh di sabihin mo, gawin niyo rin ang ginagawa ng mga lalaki. Alam mo yung girlfriend ko, naging kami lang nung isang araw at hindi ako ang nagtanong ha, siya, kasi sabi niya ang bagal ko raw. Alam mo minsan mahirap din sa lalaki gumawa ng aksyon. Uunahin mo ba kahihiyan kaysa mawala ang pagkakataon. At ikaw na rin ang nagsabi 'parang walang gusto' 'parang', ibig sabihin may chance ka pa rin. Alam kong mahirap sa parte mo, pero nasa sayo pa rin naman ang desisyon. Make a choice, to take a chance or your life will never change." payo ko kay Nicole. Napahinga ng malalim si Nicole, "Talaga po sigurong dinala ako ng Diyos sa inyo ngayon, upang mapagtanto ko ang dapat gawin. Salamat po kuya..." "Kuya Philip." dugtong ko.

Para sa mga babae, hindi ko kayo inaaway pero di ba gusto niyo ng equality, then do what we guys do. We all know that this world will never be equal pero ang point ko porket babae ba kayo hindi na kayo puwedeng umamin. It will become a form of pride kung iisipin niyong nakakahiya. Alam kong nakakahiya kasi iyon ang nararamdaman naming mga lalaki. Pero madadala ba kayo ng hiya sa kahit na ano. Oo. Saan? Sa pagkatalo sa sitwasyon. Just remeber what I told you before about rejection, learn to accept it if it comes...

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon