Hello everyone. Isang taon na kong nandito sa Qatar, nakapag-ipon-ipon na rin ako. Actually, may secret akong ishashare sa inyo. May schedule na ko ng uwi ko. Secret lang ha. Hindi ko pa sinasabi kay mama o kay Audrey. Wala naman talaga kong balak sabihin, gusto ko surprise. Kanina nagvideo-call kami ni Reden.
"O pare napatawag ka." bungad niya. "Kamusta ka? Kamusta ang barkada?" tanong ko. "Eto ok naman ako, ok naman kami. Pakiramdam ko may sasabihin ka saking importante o may kailangan ka sakin......." wika ni Reden. "Grabe. Kilala mo na talaga ko. Actually yung pangalawa." sagot ko. "Sabi ko na nga ba, may kailangan ka. Pero sige kahit ano sabihin mo lang." alok ni Reden. "Pauwi na ko pre -----" "Talaga!" singit ni Reden. "Teka patapusin mo muna ko.......gusto ko kasing isurprise si Audrey at kailangan ko ng tulong mo." "Ahh ok sige, basta pasalubong ha." natatawang sagot ni Reden. "Oo naman pare, pero seryoso to ha kahit kay mama di ko pa sinasabi na uuwi ako." wika ko. "So anong balak mong gawin?" tanong ni Reden. Syempre hindi ko muna yun sasabihin sa inyo, surprise na lang.
I am not doing this para asarin si Audrey, ginagawa ko ito at gagawin ko ito to spice up the relationship. Ibig ko bang sabihin ay para pasayahin siya. Laging tandaan, kahit girlfriend or asawa niyo na siya, araw-araw niyo pa rin siyang ligawan......
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomantizmIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.