Hi Guys! Today is not actually a good day. Not for me pero apektado kasi ako. Kanina pa lang pagpasok ko napansin ko na parang may kakaiba kay Sara pero di ko muna pinansin. Tapos kaninang lunch, mag-isa lang siyang kumakain at naramdaman ko na malungkot siya, so kinamusta ko siya.
"Hi, kamusta ka, parang malungkot ka yata?" "Eh kasi nakakainis kasi." nayaymot na sagot ni Sara. "Bakit nga? Ishare mo naman baka makatulong ako." pag-aalok ko. "Kasi kahapon di ba iniwan ko kayo ni Audrey kasi may lakad din ako. Kumain kami sa labas nung babaeng gusto ko. Tapos inamin ko yung feelings ko sa kanya. Akala ko maiintindihan niya ako, akala ko magkakagusto din siya sakin pero hindi pala, katulad din siya ng ibang babae na di tanggap kung sino ako." galit na wika ni Sara. "Alam ko galit ka sa nangyari at naiintindihan kita. Hindi man ako tomboy pero masasabi ko sayo na talagang masakit kasi nag-expect ka. Nag-expect ka sa taong gusto mo pero yung expectation na yun hindi nameet. Alam ko rin ang feeling ng mareject. Mahirap kasi inayawan kung ano yung gusto mo, but think about this, paano kung di ka naman niya talaga gusto tapos pinilit niya ang sarili niya na mahalin ka tapos di naman kayo masaya kasi di talaga siya devoted. Di ba mas maganda na yung nireject ka niya sa umpisa pa lang para di ka na umasa. Kakaunti lang ang nakakaintindi sa mga taong tulad mo Sara pero para sakin siguro ok na rin na ganun na ang ginawa niya di tulad ng iba na patuloy na pinaasa ang iba. Learn to accept na lang." sagot ko. "Oo, siguro nga tama ka mas maganda na rin na ganun at hindi tumagal ang sakit." sagot niya. "Oo, yung sakit na nararamdaman mo lilipas din yan." sagot ko. "Eh ikaw, kamusta kayo ni Audrey kahapon?" tanong ni Sara. "Well, masaya naman......" natatawa kong naisagot. "'Naman' talaga ha. Di ko pa nakakausap si Audrey eh. O sige na balik na ko sa reception tapos na ang lunch." paalam niya.
Nalulungkot ako sa nangyari kay Sara kahapon. But like what I said, siguro ok na rin yun. Tandaan niyo na ang REJECTION ay may good and bad sides. Good, in a way katulad ng nangyari kay Sara. Kung wala talaga kayong gusto sa isang tao, sa umpisa pa lang ireject niyo na hindi yung pinapaasa niyo pa. Ang hirap kasi sa iba, pabebe, gusto may humahabol habol sa kanila, di niyo alam na nakakasakit na kayo. Bad, kung kunwari may binibigay ka tapos tinanggihan lalo na kung nag-effort ka talaga. Tapos kapag may sinasabi ka at di ka pinapakinggan. Ang rejection masakit talaga sobra, in any way masakit talaga. But sometimes we have to learn to accept. Pero sana alam ng iba ang feeling ng mareject, para lang alam nila ang sakit.....
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomanceIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.