Day 109

4 1 0
                                    

Bago ko umalis magbibigay ako sa inyo ng lecture. Well, wala kasi akong masyadong ginawa ngayon. Ang pag-uusapan natin ngayon ay katorpehan. Usually sa lalaki ginagamit ang salitang torpe kasi sanay na ang mga tao na ang babae hindi naman talaga nanliligaw. Pero paano kung kayo naman kaya manligaw, tignan niyo matotorpehan kayo. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng katorpehan? Ito ay ang pagkahiya o pagkatakot sa panliligaw sa isang tao.

Bakit nga ba nahihiya o natatakot ang isang tao manligaw? Maraming factors actually, iisa-isahin ko para sa inyo:
1. Tulad ng sinabi ko sa inyo dati, matindi na ang friendship niyo at ayaw itong masira ng isa.
2. Very intimidating yung taong liligawan.
3. Laging may kasamang mga kaibigan yung liligawan niyo, kaya di kayo makahanap ng tiyempo.
4. Sobrang loner ng gusto niyong ligawan, nakakatakot na siya.
5. Sikat siya.
6. Nahihiya ka dahil sa sarili mo mismo.
7. Sadyang ayaw niyong mareject.
8. Marami pang iba hahaha.

Naniniwala ako na lahat ng tao may kinahihiyaan o kinatatakutan. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit sila nahihiya o natatakot manligaw, kung wala dyan ang dahilan niyo, refer to number 8. Pero may nagsabi sakin dati, "walang taong nabubuhay sa hiya." So isipin niyo kung mahihiya kayo, may mangyayari ba sa buhay niyo. May magbabago ba? Sometimes we have to face our fears. We have to overcome our fears. Kung ang fear mo ay kahihiyan, you have to overcome it. Alam kong mahirap magdesisyon lalo na kapag padalos-dalos, just trust in the Lord dahil kapag nasa inyo ang Diyos you can overcome all fears. Anuman ang dahilan ng pagkagusto niyo, nasa inyo pa rin kung gagawa kayo ng aksyon o hindi.

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon