Day 4

15 2 0
                                    

     I'm back ladies and gentlemen. For today pag-uusapan naman natin ang madalas na hinahanap ng tao kapag problemado sila. Sa nakikita ko sa mundo ito ang ilan sa mga hinahanap  ng tao kapag problemado sila.
● Entertainment
● Sleep
● Food
● Liquor
● Sex

     Kung may kulang man dyan o kung wala ang hinahanap niyo kapag problemado kayo ok lang yan. Ang nilagay ko dito ay ang madalas na hinahanap. Aaminin ko sa inyo nung iniwan ako sa ere ni Kristine sobra akong nagdamdam. After nun syempre nagkakakita pa rin kami kasi kapitbahay ko siya eh at sobra akong namro. Ang gusto ko lang nun ay matulog ng matulog hoping na malilimutan ko siya ang kaso hanggang sa pagtulog ko hinahanting niya ko. Aaminin ko sobrang hirap at hanggang ngayong present day may kirot pa ring natitira.

     Ito ang advice ko sa inyong lahat, so sa entertainment, ok lang na maglibang kayo pag may problema kayo basta sa maayos na paraan. Matulog, ok na ok lang ang kaso baka mahirapan din kayo tulad ko na hanggang panaginip sinusundan pa rin ako ng problema. Kumain, ok lang din as long as kaya ng bulsa niyo. Usually babae ang mahilig kumain ng kumain kapag may problema pero ok lang din yun para sa boys. Liquor, hindi ko inaaprubahan dahil kapag uminom tayo ng may problema, puwede tayong mawala sa sarili. Sabi nga nila, ang alak ay demonyo. Pero kung malakas kayo at kontrolado niyo pa rin ang sarili niyo edi wala kayong problema. Ang sex hindi ko maadvice sa inyo kasi paano kung asawa niyo o kasintahan niyo ang problema niyo, dagdag problema pa kung may gagawin kayong kabulastugan kasama ng iba. Siguro advisable lang yun kung ibang bagay ang problema niyo at sa boyfriend/girlfriend niyo kayo, alam niyo na.

     Kapag may problema kayo, lahat ng technique para makalimot ok lang. Kung ano man ang style niyo, ok lang basta hindi kayo nakakagawa ng masama at walang taong naapektuhan.

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon