Day 8

8 0 0
                                    

Itutuloy ko na ang kuwentuhan namin ng aking mga kaibigan. "Yan dumating na rin yung sisig." wika ni Vince. "Ikaw talaga, pagkain lang ang gusto." tugon ni Reden. "Uy hindi ah, marami kayang gusto yan. Iba't ibang putahe pa." singit ni Donald. "Grabe kayo sakin." pabirong wika ni Vince. "O ikaw naman magkuwento Vince." wika ko. "Hay, dahil nagtanong kayo sige na nga. May nakilala ko dun sa bagong restaurant na pinapasukan ko. Ang pangalan niya April, gusto ko siyang -----" "Nako nako, may mabibiktima nanaman si Mr. Vince 'The Playboy' San Ramon." singit ni Reden. "Teka iba kasi to, pag kinakausap niya ko iha eh, basta iba parang tinamaan na yata ko sa kanya." sagot ni Vince. "Ok, let's be serious, kung sa tingin mo, no, no, no, no, kung talagang tinamaan ka sa kanya then ligawan mo siya, make some action. Pero Vince sinasabi ko sayo kung hindi mo talaga mahal tong April na to tigilan mo na siya. Baka mamaya mafall siya tapos di ka pala seryoso. Di ka pala handang magcommit o baka isa lang siya sa mga babaeng paglalaruan mo. Maawa ka dun sa babae kung di ka sure wag mo ituloy." sagot ko. "Grabe Philip ang lalim nun, nakatatlong baso ko ng beer habang nagsasalita ka." tugon ni Vince. "Seryoso ako, at kapag nanloko ka ng babae hindi lang image mo ang sinisira mo pati sa ibang lalaki. Kaya ikaw ayusin mo, alam mo naman minsan ang mga tao ginegeneralize eh." sagot ko. "Salamat Philip, naappreciate ko." sagot ni Vince.

Advice ko sa mga lalaki, huwag kayong manliligaw kung hindi naman kayo sure, kasi baka mamaya mafall si girl tapos kayo wala naman pala. Masasaktan niyo lang ang babae at hindi ganun ang gentleman. Pati mga babae, huwag din kayo paasa, kung di niyo gusto edi wag na kayo magsabi na may gusto kayo. Nasasaktan din ang mga lalaki. Words and action are both strong walang nakakalamang dyan pagdating sa relasyon, parehas nakakafall yan kaya kayong mga lalaki at babae huwag kayo magsalita at gumawa ng aksyon na mapapaasa ang isang tao lalo na kung di niyo naman talaga gusto. That's all for today...

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon