Day 3

22 3 2
                                    

     Hi! Ako si Philip, nagbabalik para magshare ulit sa inyo ng isa pang story. Last time we talked about respect for girls at ang hirap kapag gusto mong tumulong sa babaeng ayaw magpatulong tapos wala ka pang karapatan na turuan siya kasi hindi kayo. Well ngayon gusto kong talakayin ang iba't ibang klase ng babae. Syempre isang klase lang muna.

     Before I met Sara, mayroon akong niligawan na babae na kapitbahay namin, siya si Kristine. 17 years old pa lang ako, siya na ang gusto ko ang kaso mayroon siyang boyfriend. 2 years silang tumagal hanggang sa nalaman niyang nambababae pala ang boyfriend niya. Dahil doon nagkahiwalay sila and I started talking to Kristine. 2 years ko siyang niligawan, masaya naman kami, nagdedate kami ang kaso sa tagal ko ng nanliligaw sa kanya di pa rin niya ako sinasagot. Alam mo yung feeling na kapag lumalabas kaming dalawa pakiramdam ko kami na. One day, pagod na pagod na ako kaya tinanong ko siya, "Ano ba tayo Kristine?" Hindi siya makasagot. Tinanong ko siya ulit pero ang sabi niya. "I'm sorry, Philip. Hindi ko kaya..." At umalis na siya.

     Para sa mga babaeng nagbabasa nito, tip ko lang sa inyo, iba-iba ang lalaki sa mundo. Hindi lahat ng lalaki manloloko at barumbado. Don't be afraid to take chances. Huwag kayong matakot masaktan. Walang relasyon na perpekto. Sa love kailangan mo minsan magtake ng risks. Alam niyo naman siguro kung maayos ang lalaki o hindi eh.

     Para sa mga lalaki namang sira ulo dyan, lagi niyong isipin na kapag nanloko kayo ng babae, kapag gumawa kayo ng kalokohan, di lang kayo ang naapektuhan pati kaming matitinong lalaki pinag-iisipan na rin ng masama. So hanggang dun lang muna tayo ha...

A Gentleman's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon