Chapter 1

712 72 19
                                    

Dedicated this Chapter to imLiyahKim

Chapter 1


Tabee first point of view

  

"Hoy! Yush napagod ka ba? "bungad ko kay Zayn nang matapos na ang practice nila sa basketball.

Zayn is my crush! "Yush" ang tawag ko sa kanya. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nilagyan ko ng shortcut ang crush into yush.  Naguguluhan narin ako sa sarili ko.

" Obvious ba? " Sarcastic niyang sagot.

Fine!  Kung sabagay may point naman siya.  Nakakapagod nga umupo sa classroom at makinig sa teacher eh, paano nalang kaya kapag naglalaro ka. What a mind of yours Tabee!

"Yush, uuwi kana ba? " Tanong ko ulit  sa kanya.

"Ano pa ba sa tingin mo?" Sagot niya na naman.

Suplado niya talaga! Kung hindi lang kita gusto at di mo ko napapakilig, hinding-hindi ako magtitiis sa'yo eh!  Sarap mo kasing tuktukan Zayn sa totoo lang!

"Sabay ako yush. " Saad ko habang nakangiti sa kanya.  I'm not good at doing cute face.

" Umuwi kana. " Dire-diretso lang siya sa paglakad at ito ako naghahabol lang sa kanya.

Pumasok na siya sa loob ng kotse niya at nag stepback naman ako para makaraan yung kotse niya. And the last thing I know, malayo na siya sa paningin ko.

Wala man lang paalam.
Mabigat ang balikat kung nilakbay ang sakayan papunta sa amin.
Kailan niya kaya ako maisasakay sa kotse niya.
Kailan niya kaya ako yayaing isabay pauwi?

Ang lungkot naman ng bahay.  Wala pa si mama.  Humiga lang ako sa kama ko at binuksan ang cellphone ko.  Agad kong tinawagan si Zayn.
Nakakatatlong ring palang ay sumagot na agad ito dahilan upang mapangiti ako.

"O bakit? " Tanong niya sa kabilang linya.

"Nakauwi ka na ba?" 

Kahit naman suplado siya sa akin sa school ay kapag tumatawag naman ako ,sinasagot niya agad. Kasi siguro alam niyang hindi ako titigil na tawagan siya hangga't hindi niya sinasagot.

"O..." Maikling sagot niya.

"Wala kasi akong kausap eh."  Sabi ko.

"O?" Sagot na naman niya.

"O? Wala ka man lang sasabihin?"
Sinasagot niya nga tawag ko. Wala naman siyang ka sense-sense kausap.

"Ano ba kasi kailangan mo? " Tila naiinis niyang tanong.

"Wala naman----" Hindi pa'ko tapos sa sasabihin ko nang magsalita na siya.

"Wala?"

Sasagot na sana ako nang naputol na ang tawag.

Pinatayan niya ako ng tawag. Okay lang. Palagi naman eh. Expect ko na yun.

" Hoy, yush! Good morning!"
Bati ko agad sa kanya. Syempre pang pa sigla nang araw.
Hindi niya man lang ako pinapansin.  Ano na?  Nasa teleserye ba tayo Zayn?  Ang arte mo naman.
"Yush , sorry pala kagabi ha? Di ako na katext kasi nakatulog ako agad, eh. " Sabi ko na naman.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now