Chapter 19 (Amnesia)

154 53 2
                                    

Mga ilang oras pa bago lumabas ang mga doctor sa Emergency Room.

Lahat ng mga tao rito umiiyak na.
Hindi ko na nga alam kung ano yung gagawin ko e.

Ang sabi ng doctor. Madaming examination pa daw ang kaylangan para makasigurong maayos na siya.

Grabe raw kasi ang pagtama ng ulo niya doon sa bato at madaming dugo ang nawala sa kanya. May posibilidad din na magkaroon siya ng panandaliang pagkawala ng ala-ala at ang mas kinatatakatakutan namin ay baka ma comatose siya.

Huwag naman sana.

Napag-alaman din namin na hindi raw nadulas si Pabee kaya naaksidente siya.

May nakakita kasing may kaaway siya na babae at natulak siya nito.

Nanginginig na ako sa sobrang galit ko.

Malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito.
Iuuntog ko rin yung ulo niya sa bato.

Natututo na akong maging brutal pero wala akong pakialam basta ang mahalaga mai-higante ko si Pabee sa taong gumawa sa kanya non.

Tasheleen's storyline

Monday ngayon at natural may pasok.
Pero wala akong ganang pumasok.

Sa school naman ay tahimik lang kaming magkakabarkada.

Iniisip namin si Pabee.

Hanggang ngayon kasi wala parin siyang malay.

"So, how is she?"
Napaangat ako bigla at hinarap yung nagsalita.

"Pwede ba Ahlia, wala akong panahon sayo." Walang ganang sabi ko sa kanya.

"Anong wala? I'm your girlfriend remember?"

"I can't remember. Kelan ba kita niligawan?"

Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha niya. Mukha niyang tila naiiyak.

"Hoy! Babae!" Sigaw ni Feliss mula sa pintuan ng classroom.

"Tresspassing ka na naman sa classroom namin.
Ginugulo mo pa si Zayn. Pwede ba, tantananan mo na siya. Hindi ikaw yung girlfriend niya. Hindi ikaw ang mahal niya. At si Tabee? Siya lang naman mahal ni Zayn kaya kung ako sayo hindi na ako aasa at wag kang feeling." Sambit niya habang papalapit sa amin.

Girlfriend ko si Pabee? Kelan pa?
Oo na nga lang.

"Zayn, totoo ba?"

"Yes. At kung pwede , huwag ka na lumapit sakin. Please Ahlia. Just stop."

"I hate you Zayn!" Sigaw nito at hangos na lumabas ng classroom.

"I hate you,too Ahlia!"  Pasigaw na sagot ni Trixiah.

Nakaramdam din ako ng pagkaawa may Ahlia kahit papaano.

"Hoy, Zayn. Ayusin mo yung sa inyo ni Tabee ha? Umayos ka." Paalala sakin ni Trixiah.

"Pero bakit ang lakas ng pakiramdam ko na si Ahlia yung babaeng tinutukoy nilang nakaaway ni Tabee?" Pag-iiba naman ng usapan ni Feliss.

Iisa lang din pala ang iniisip namin. Pero wala kaming sapat na ebidensiya para paratangan siya.

Hindi parin nagigising si Pabee.
Pangatlong  araw na'to ngayon.

Pagkatapos ng klase namin. Dumiretso agad kami sa ospital dahil binalita sa amin ng mama niya na gising na siya.

Tasheleen's storyline

(Tabee Kyline point of view)

Yum! Yum! Yummy!
Grabe naman! Sa lahat talaga ito yung pinaka nami-miss ko. Namiss kong kumain .

Oh, ayan! Nandito na pala yung mga friends ko at yung mahal ko.
Gagaling agad ako nito e.

"Uy, ffg. Okay ka na ba? Magpagaling ka na agad ha? Dahil reresbakan natin yung gumawa sayo nito."  Sabi ni Trixiah.

Hay ,naku! Ang ingay po nila.
Alam kaya nila kung sino yung gumawa sakin nito?
Wala naman sa isip ko yung salitang gumanti. Ayokong gumanti.

Wala akong karapatan.

"Uy,Tabee. Bakit ang tahimik mo?

"May masakit pa ba sayo?"

"Tabee ba naman. Magsalita ka naman oh. Ano pa yung gusto mong kainin ,ha?"

Tinititigan ko lang sila.

"OMG! Guy's, what if may amnesia si Tabee?" Rinig kong sabi Feliss sa mga kaibigan namin.

Oops! May amnesia raw ako?
Natatawa ako sa isip ko.  Nakakatawa naman.
Masakyan nga.

"Tabee, hindi mo na ba kami natatandaan?" Nasa malungkot na tono na tanong ni Trixiah.

Magiging mas masaya yata ako kapag sinakyan ko sila ah.

"Tabee?"

"Sino ba kayo?" Pa-inosente kong tanong.

Kita naman ng dalawang mata ko nagtinginan silang lahat at sabay-sabay na umupo sa mahabang sofa ng kwarto. Buti naman at nagkasya sila ron.

Gustong-gusto ko na matawa sa sobrang saya sa nangyayari ngayon.

"Ffg? Tabee naman eh~~~~~~~!" Iyak ni Trixiah sa'kin. Sinabayan din naman siya ni Feliss at ngayo'y nakayakap silang dalawa sakin.

"Teka~~~teka. Hindi ako makahinga." Reklamo ko. Bumitaw naman sila sa pagkakayakap.

"Tabee, magpagaling ka na please. " Iyak pa rin ni Trixiah.

Nakokonsensya na tuloy ako.

"Nagpapagaling naman ako eh. " Sagot ko.

"Kapag gumaling ka na. Lahat ng gusto mong gawin gagawin natin, okay? Lahat ng gusto mong kainin, kakainin natin. Basta magpagaling ka na. Basta ibalik mo yung dating ala-ala mo." Mahabang sabi ni Feliss habang umiiyak.

"Bakit ba kayo umiiyak? Para namang mamamatay na ko niyan eh. Saka sino nga ulit kayo?"

"Bestfriends tayo tatlo ni Feliss. Tapos ako si Trixiah. Tapos siya naman si Kip at si Lance tapos si Zayn." Inisa-isa naman ni Trixiah yung pangalan nilang lahat.

Para tuloy akong tanga rito.

"Mga kaibigan ko kayong lahat?" Walang kwenta kong tanong.

"Oo. Hindi mo ba talaga kami matandaan Tabee?" Ulit na naman ni Trixiah.

"Paulit-ulit ka nalang Trixiah. Alam mo namang may amnesia nga diba? Paano nalang kapag mabigla yung utak ni Tabee kakaisip kung sino nga talaga tayo." Sabi ni Feliss may Trixiah.

"Nagbabasakali lang naman ako eh. Namimiss ko na kasi siya." Malungkot na sabi ni Trixiah.

I miss you too, ffg.

"Lahat naman tayo namimiss na siya diba? Pero dapat thankful nalang tayo kasi nabuhay siya diba? Dahan- dahan lang okay?" Seryosong sabi ni Feliss.

"Fine!" Tila naiinis na yung boses ni Trixiah.

"Guys! Guys! Hindi yata nakakabuti na magtalo kayo sa harap ni Tabee." Singit naman ni Kip sa dalawa.

Tumahimik naman yung dalawa.

"Labas nalang muna siguro tayo? Iwan muna natin si Tabee kay Zayn." Sabi ulit ni Kip.

Kip! Bakit ganyan ka? Papasalamatan na ba kita?
Oh shoot! Kinakabahan ako!

Hindi na nagsalit yung dalawa pa at dumiresto na silang apat papalabas ng kwarto.

Aba! Hindi man lang nagpaalam sakin.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now