Chapter 18 (Amnesia)

165 54 4
                                    

"1 message recieved"

From: Unknown number

'Pabee, hoy! Nasa plaza ako. Pumunta ka rito. Naghihintay ako.'

Sabi sa text. Pumunta raw akong plaza?
Si Zayn siguro to. Siya lang naman tumatawag sa akin na Pabee eh.

May kaylangan kaya siya sakin? Baka naman magde-date kami.
Na-excite tuloy ako.
Naku  naman!
Ang sweet niya rin pala.

Mabilis akong naligo at tinungo na ang plaza.
Hinanap ko kung saan si Zayn pero hindi ko siya nakita.
Wala pa naman akong load.

Umupo lang muna ako ron sa isang tabi.

Mga sampung minuto na rin siguro akong nakaupo roon nang maya-maya ay may tumabi na sa akin.

"Ahlia?" Sambit ko na parang hindi kapani-paniwala.
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?

"Ano naman ba ang ginagawa mo rito?" Naiirita kong tanong ko sa kanya.

Nakakainis! Bakit ba ang tagal ni Zayn.

Lumilingon- lingon ako para hanapin siya pero bigo ako.

"May hinihintay ka pa bang iba bukod sakin?" Sabi nito.

"Ano?" Naguguluhan kong tanong.

Bukod sa kanya? Anong~~~~Napaisip ako bigla.

"Bakit ka pa ba nandito Ahlia? Pwede ba umalis ka nalang." Sabi ko ulit.

Ano ba kasing ginagawa niya rito at bakit hindi pa siya umaalis.

"Ganyan ka na ba talaga katanga Tabee?" Simula niya ulit.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo at pati rito sinusundan mo ko?"

"Umaasa ka pa bang magkakagusto sayo si Zayn? Para sabihin ko sayo, kami na ni Zayn at wala ka nang pag-asa."

Aba naman!
Hinahamon niya ako.

" HOY, CHEERLEADER NA HILAW! SA PAGKAKAALAM KO KASI IKAW YUNG NANLIGAW KAY ZAYN AT SA PAGKAKAALAM KO RIN HINDI KA NIYA SINAGOT PLUS... HINDI KA NIYA MAHAL.
TSSSTSKK. NABASTED KA YATA. "

Sige lang Tabee Kyline. Asarin mo lang ang babaeng yan.

At salamat tumahimik na siya.

Naramdaman ko rin na tumayo siya. Napaangat ako ng tingin ng bigla niya akong hilahin.

Pakk!

Ouch! Sinampal niya ako.

Aray!

Sinabunutan pa ako.

Magpapatalo ba ako?

"How dare you Tabee.
Mahal ako ni Zayn! Kami na! "

" Eh, totoo naman a. "

Ganyan kami habang nagsasabunutan.

" Noo! He's mine. "

" Eh, totoo nga kasi!"

" No! "

Blaggg!

Zayn Pov.

Nasaan na ba si Pabee, wala siya sa bahay nila.
Wala lang, gusto ko lang naman siya makita.

Ewan ko, gusto ko lang siya asarin.

Dito pala ako sa plaza.
bakit andaming tao? May ambulansya.

Malapitan nga.

Hindi naman ako sumingit para maki usyuso sa mga tao, sadyang parang may humihila lang talaga sa mga paa ko . Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

What the..!

"Pabee? "

Anong nangyari?
Isasakay na siya sa ambulansya.
Anong gagawin ko?

Ang daming dugo galing sa ulo niya.

Pumasok din ako sa loob ng ambulansya.

Wala siyang malay.
Kinakabahan ako.

Anong nagyari?

Tinext ko nalang yung mga kaibigan niya.
Ayokong tumawag kasi alam kong ang dami nilang tanong.

Hawak ko lang yung kamay niya.
Kanina pa nga ako napapasigaw dito e.
Ang bagal naman kasi magpatakbo ng sasakyan.

Pano nalang kong may mangyaring masama kay Pabee? Ano ba naman!

"Pabee.. Kaya mo yan ? Malapit na tayo sa ospital.
Sino ba kasi may gawa sayo nito? Lumaban ka.
Wag mo ko iiwan.
Wag mo ko iiwan kasi mahal kita."

Ang corny ko... Ang bading ko talaga.
Ah, basta, mahal ko na tong babae nato.

Di naman niya ako naririnig diba?

"Talaga yush mahal moko? "

Teka? Anong?
Nakangiti siya.
Gising? Aba! Tantado naman.

Nawalan ulit siya ng malay.

" Kuya, pwede po ba paki bilisan dahil pag may mangyaring masama dito sa babaeng to , papatayin din kita. "

Seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now