Chapter 16

134 55 1
                                    


ZAYN POINT OF VIEW

"Hoy,Zayn!" Sabi ni Feliss habang papalit sakin.

"Bakit?" Wala sa mood kong tanong.

"Hindi raw pupunta si Pabee." Sabi naman ni Trixiah.

"Alam ko."

"Alam mo? Tanong naman nilang dalawa na gulat na gulat.

"Ibig sabihin kung sabihin, wala akong pakialam."

"Sabihin mo nga Zayn. May ginawa kang mali kay Tabee nuh kaya hindi siya pumunta. Umamin ka." Para namang matatakot ako sa sinasabi nila.

"Ano bang sinasabi niyo? Ano bang malay ko na hindi pala siya pupunta. Hindi nga rin niya nabanggit sakin eh."
Totoo naman kasi na wala akong alam. Hindi naman niya sinabi na hindi pala siya pupunta. Tanong kasi siya nang tanong sakin kung pupunta ako. Malamang ,aasa na ako na pupunta nga siya.

"Ofcourse, hindi niya sasabihin sayo na hindi siya pupunta. Kasi nga may ginawa kang mali sa kanya." Ang lawak talaga mag-isip ng dalawang to.

"Anyways, hindi ka na namin pipiliting umamin. Ganito nalang~~~~~~" May inabot na bud of roses si Trixiah sakin.

"Anong gagawin ko rito." Sa halip na sumagot ay binatukan ako ni Trixiah.

"Akala ko ba matalino ka? Bakit parang ang tanga mo?" Hindi ko naman kasi talaga maintindihan yung gusto nilang mangyari eh.

"Ano ba kasi ang gusto niyo at anong gagawin ko rito sa rosas nato?" Wala parin akong maintindihan.

"Simple lang naman eh. Diba ayaw mo rin naman na pumunta rito sa party?"

"Ayaw ko talaga." Labag naman kasi talaga sa loob ko na pumunta rito.

"Good! Pumunta ka sa bahay ni Tabee at pagkatapos ibigay mo yan. Okay? " Ano?  Bakit ko naman gagawin ang bagay na yan?

"Bakit ko gagawin?"

"Ang tanga mo talaga Zayn!" Rinig kong sabi ni Kip.
Bigla naman siyang tumahimik nang tinitigan ko siya.

"No more buts,okay? Malay ba namin na ikaw nga ang dahilan kung bakit hindi makapag enjoy ang kaibigan namin ngayon."

"Tama." Sang ayon naman ni Feliss kay Trixiah.

  At wala na nga akong nagawa pa. Ayoko na ring pahabain pa yung usapan kaya pumunta nalang din ako sa bahay nina Pabee.

Nakakadalawang doorbell palang ako nang may lumabas na.

Si tita pala.

"Zayn, anong ginagawa mo rito? Saka nakabihis ka yata?"  Tanong agad ni tita.

"Good evening po,tita. Hinahanap ko po kasi si Pabee, nandiyan po ba siya?" Tanong ko agad kay tita.

"Natutulog na siya at bakit ka nga pala nakabihis?" Tanong ulit niya.

Hindi ba alam ni Tita na may party ngayon.

"May event po kasi kami sa school tita." Magalang kong sagot.

"Ha? Meron ba? Bakit wala naman yatang nabanggit si Tabee sakin."

Hala ayon. Pagkatapos kong makipag usap kay tita ay pumunta na ako sa kwarto ni Pabee.

Ilang beses na akong kumatok pero hindi niya binubuksan.
Hinawakan ko yung doorknob at bukas naman pala yun.

Papasok nalang ako.
Ang linis ng kwarto niya.

Nakahiga siya sa kama at naka earphones kaya pala hindi niya ako pinagbubuksan. Hindi niya ako nadidinig.

Ano yun? Nabaling ang atensiyon ko sa isang bagay.
Larawan naming dalawa na naka frame.
Paano? Kelan ba kami nagka picture na kami lang dalawa?

Isip~~~~sip.

Naku! Bahala na nga.
AYOKONG ISIPIN!

Pagtingin ko sa higaan ni Pabee, wala na siya roon.

Asan na siya?
Paglingon ko.

"Aaaaaaah!" Literal na sigaw ko. Nagulantang yata ang buong pagkatao ko.

Lintik na! Napasigaw pa tuloy ako. Kasi naman nakakagulat.  Tawa lang siya nang tawa.

Tumahimik naman siya agad nang makita niyang ang tahimik ko.

"Yush." Nasa malungkot na tono niyang sabi.

"Bakit?"

"Ang gwapo mo ngayon ah. Actually, palagi naman eh." Sabi niya habang nakangiti.

"Alam ko." Biro ko sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok.

"Bakit ka nga pala nandito yush at ano yang hawak mo?"
Sabay turo niya roon sa bulaklak na hawak ko.

"Para sa'kin ba yan yush, ha?" Nakangiti niyang sabi.

"Ito ba? Pinabibigay ng mga kaibigan mo."
Nakita ko bigla ang pagbago ng reaksiyon ng mukha niya.
Totoo naman kasi na galing sa mga kaibigan niya yan e.

Tinititigan ko siya. Bakit ba laging maga ang mga mata nito?

"Teka ka lang. Bakit ba palaging maga yang mga mata mo?"
Sa halip na sumagot at niyakap nalang niya ako bigla

"Zayn pwede bang dito ka nalang muna?" Nasa malungkot na tono ng boses niya.

"Hindi pwede." Sagot ko agad.

"Pwede bang dito ka nalang matulog?"

Sira ulo ba to? Dito niya ako patutulugin? Ano naman kaya iisipin ng mama niya?
Hampasin pa ako ng kahoy non.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Sige na please." Pangungulit niya.

At ito na nga.
Nakahiga na ako sa kama niya. May pagitan naman sa gitna namin.  Yare na! Bakit ba ganito ako?

Nagpaalam siya kay Tita, tapos pumayag naman, bukas nga lang yung pinto at ilaw.

Asa naman may mangyayari sa amin.

"Bakit hindi mo sinabing hindi ka pala pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ayoko ko kasing ma-mroblema pa si mama sa susuotin ko eh. "

"Eh, bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Siya yung tanong nang tanong sakin kung pupunta. Eh, siya nga tong hindi naman pala pumunta.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Kaya naman agad ko naman siyang sinilip.
Nakatulog na siya agad? Sa maikling oras?

"Hoy~~~" Sabi ko habang niyugyog yung balikat niya.
Tulog na nga siya.

Ang inosente ng mukha niya pag tulog siya.
Parang ayoko na nga matapos ang gabing to..
Kahit ganito lang , tahimik at kasama ko yung babaeng nakakapagpasaya sakin.

I think I'm starting to fall in love with her.

Oras narin siguro na bumawi ako sa kanya. Oras na rin siguro na iparamdam ko sa kanya kung gaano siya ka importante sakin.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now