Chapter 10

157 52 1
                                    

Kagaya ng inaasahan ko, hindi niya ako binati. Dire-diretso lang siya sa loob ng bahay.

Aba! Feel at home.

Pagpasok niya sa pinto, huminto siya. Dahil sa likuran niya kami ay nagkauntugan kami sa isa't-isa.

Napaatras pa nga si Lance at si Kip e.

Dahil sa pagka bunggo nila kay Zayn.

Hawak-hawak pa nila Lance ang kani-kanilang mga ilong .

Napamura pa nga si Lance e.

"Ahaggzgshhshs~~~~anak ng! Ano ba Zayn? Ano bang problema mo?" Reklamo ni Lance.

"Okay ka lang?" Tanong ni Lance kay Feliss.
Nakakainggit naman.

"Inggit ka noh?" Pang-aasar naman ni Trixiah sa'kin.

"Asa naman kayo. Maghiwalay sana kayo." Sabi ko naman sa kanya para makabawi ako.

"Kapag maghiwalay man kami ,isusumpa naman kita na hindi na magkakagusto pa si Zayn sa'yo." Napakabait ng mga kaibigan ko.

"Makakauwi ka na. Hindi ka naman invited sa birthday ko." Sabi ko sa kanya dahil sa inis ko sa kanya.

"Okay lang. Nakapag take-out narin ako." Hindi na ako sumagot pa kasi hahaba na naman ang walang kwentang usapan namin.

Hindi naman namin namalayang nakapasok na pala silang lahat sa loob.

"Anak, pakainin mo na sila." Wika ni mama."Hay, Zayn." Bati naman nito kay Zayn.

"Hello rin po, tita." Wika niya saka nagmano rito pati narin sa mga kaibigan ni mama.
Naman talaga... Ang bait ni Zayn, ah. Sana ganyan din siya sakin.

"Ang gaganda at ga-gwapo naman itong mga kaibihan mo Tabee." Sabi ng isa kong tita.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.
Ito ang kaarawan na gusto na kasama lahat ng mga taong importante sa buhay ko.

Napansin ko naman sa kabilang banda ay palaging nagtitinginan sina Zayn at Vestre.

Somethings bothering in my mind.
Oh my gosh! Naiisip niyo ba ang naiisip ko?

Huwag  naman po sana!

Sino kaya ang bading?
Si Zayn ko ba? Oh no!

Huwag naman sana, please!

Paano nalang ako? Paano nalang ako kung sila talaga yung nakatadhana para sa isa't-isa. Hindi ko yata kaya.

Pagkatapos ng kaonting salo-salo. Nagkukulitan lang kaming magkakaibigan.

Napagpasyahan naming maglaro nalang.
May video game kami rito kaya naman iyon ang nilaro namin.

Inaasar ko lang nang inasar si Feliss dahil natalo ko siya.

"Hoy, Lance. Ipag-ganti mo nga ako sa babaeng yan." Paglalambing nito sa kasintahan.

"Pag natalo ko yang boyfriend mo. Maghiwalay na kayo ha?" Biro ko na naman sa kanila.

"Sige ,pag natalo ka. I-give up mo na si Zayn." Balik  naman sa akin ni Trixiah.

"Ano ,ako bale? Akala niyo naman ganon-ganon lang ako matalo. Baka nakakalimutan niyong dito kayo sa bahay ko at sino ang may-ari nitong nilalaro natin? And what does it mean? I know how to play this.
At sisiguraduhin kong maghihiwalay kayo." Pagmamayabang ko naman sa kanila.

"Feeling mo. Mahiya ka nga kay Vestre." Wika ni Trixiah.
"Vestre, pasensya ka na sa kaibigan namin ha? Ganito lang kasi talaga to eh. Pero okay na rin para ngayon pa lang, malaman mo na kung anong klaseng babae siya." Baling naman niya kay Vestre.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now