Chapter 30

114 44 1
                                    

ZAYN POV

Nakauwi na ako galing mall.

Hinatid ko nalang si Tanya sa bahay nila bago dumiretso sa bahay namin.
Hindi ko parin nakalimutan ang nangyari kanina sa mall.
Tanya kissed me. Why did she do that?

Bakit, hindi ko man lang maramdaman yung pagmamahal niya sakin?
Pero si Pabee, parang nakita ko siya kanina, siya ba yun o guni-guni ko lang?

Humahanap nalang ako ng tiyempo para tapusin ang kahibangan nato.

Kinaumagahan, nandito na ako sa ngayon sa school. Nakita ko yung  barkada saka ko sila nilapitan.

"Guy's, Lance, Kip. "

" O, dude! "

Yung mga babae, nakatitig sila sakin ng sobrang lalim. Pero, wala si Pabee, nasan siya?

Napansin agad siguro nila yun kaya inunahan na nila ako.

" Hindi pumasok si Tabee, ewan namin kung bakit. Hindi namin siya makontak. "

" Hindi mo yata kasama yung Brittany mo? " Sarcastic na bulalas ni Feliss.

" Anong oras natapos yung kissing scene niyo kahapon? Best seller ba? "
Si Trixiah naman.


" Trixiah, tama na yan. A, pare... Zayn una na muna kami ha? "

Dahil sa sobrang gigil ko, napasapak ako ng wala sa oras dun sa bulletin board.

" Hala! May problema si Zayn, " rinig kong sabi nung isang estudyante.

" Sa pagkakaalam ko, wala na yata sila ni Tabee, e. "

" Talaga? Sayang naman. Perfect match na sana. "

" Oo nga e. Tapos ang sweet pa nila. "

Madami pa akong narinig sa kanila ngunit ayoko nang may marinig pa. Mas lalo akong nasasaktan.

" Zayn, anak? " Nilapitan ako ni mama dito sa sala habang nanunuod ako ng tv.

" Ma? "

" Hindi ko na nakikita si Tabee na pumupunta dito, a. Nag-away ba kayo? "

" No, ma. "

" Anak, are you sure you want to attend a dinner with Tanya? 'Wag mong pilitin ang sarili mo sa bagay na' to. "

" Ma, may nasaktan ako. "

" Si Tabee ba? "

" Pero ma. Mahal ko si Tabee pero mahal ko din si Tanya. What shall I do? "

Sa pagkakataong ito, tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.

" Sigurado kabang mahal mo pa si Tanya? Maybe, you missed her. Na lungkot ka nung panahong wala siya, hindi dahil mahal mo siya anak kundi  dahil dika sanay na wala siya sa tabi mo... Zayn.
Naiintindihan mo ba anak? Ibang-iba ang mahal sa namimiss. "

Maybe, i felt that way.

Tumango nalang ako.

Bata pa kami nung panahong nangako kami sa isa't-isa at wala pang kaalam-alam sa tunay na ibig sabihin ng 'love'.

Tinawagan ko si Tanya pag kaalis na pagkaalis ni mama.

" Hello, Brittany? "

" Yes, Zayn? "

" Tanya, I'm sorry. May importante kasi akong gagawin ngayon. Pwede ba sa susunod nalang? "

" What? But, what about our dinner date? I was already prepared. "

" I'm sorry Tanya, bye. "

After nun, binaba ko na yung cellphone.

Malapit na ako sa bahay ni Pabee. Sigurado na ako sa nararamdaman ko.
Ilang beses na akong nag doorbell kaso walang talagang sumasagot.

Tinawagan ko na rin sina Feliss at Trixiah, pero hindi rin nila sinasagot. Yung dalawang umang kong mga kaibigan. Hindi rin sumasagot.
Si Ahlia! Tama!
Tatawagan ko siya.

"Hello! "

" Zayn? Hey! "

" Alam mo ba kung saan si Pabee? "

" Si Pabee ba kamo?Kung hindi ako nagkakamali nasa Night sky grand hotel sila. Alam mo naman siguro kung saan yun diba? And by the way, my family reunion kasi sila. "

(Night Sky Grand Hotel***As all I know. It doesnt exist. Its just part of the authors imagination.)

" Thanks Ahlia. "

"K...Bye!"

Ang layo naman nun, pero kaya kung puntahan ang lahat para makita ko lang siya.

Pagdating na pagdating ko sa lobby ng hotel na yon. Kitang-kita ko talaga ang mga umaapaw na mga tao roon.
Asan na siya?
Bahala na. Hihintayin ko nalang siya rito.

30 minutes. 1 hour. 2 hours. 3 hours. 4 hours.

Nakakalungkot! Inaantok na ako.

12:00 midnight na.

"Iho! Bakit nandito ka sa labas? Kanina kapa dito a. Hindi kaba papasok?" tanong ni Manong guard sakin.

"Wala po manong, paalis na din po ako "

Tabee Kyine pov

Waahh!
Grabe!
Ang saya naman dito. Nakilala ko yung iba ko pang mga pinsan.

Di nakapagtatakang ang gaganda nila.

11:00 na ng gabi at inaantok nadin ako.
Nagpaalam na ako sa kanila pati na kay mama saka pumanhik sa kwarto ko. Dito nadin kami matutulog sa hotel.
Ang saya-saya lang at ang sosyal.

Bago ako natulog, tiningnan ko muna yung cellphone ko at ang daming missed call.

Zayn? Galing kay Zayn lahat.

Bakit naman siya tatawag?

Baka sasabihin na niya na ako yung pipiliin niya. Naku naman! Tabee Kyline 'wag ka ngang magpakatanga.

Puso' t isip ko nag aawy na.
Basta ang iisipan ko nalang ngayon ang scholarship na binibigay ni Tita Ingrid, pinsan ni Mama. Sayang din yun.
Sa friday sasama daw ako sa kanya para daw makita ko yung lugar nila.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now