Chapter 24

119 50 1
                                    


Nasa first quarter na at lamang ng apat na puntos ang kalaban.
Hindi maipagkakailang ang gagaling ng mga kalaban nila.

Hingal na hingal narin si Zayn ko. Siya kasi yung bantay sarado ng mga kalaban. Nakakainis! Parang gusto kong pumunta sa gitna ang pagbugbugin yung mga humaharang sa kanya.

Hanggang sa dumating ang second quarter.
Nasa sampu na ang abante ng kalaban. Ramdam ko na rin ang kapaguran ng mga players. Pati boses nga naming sumisigaw ay parang gusto na rin yatang sumuko na.

"Go Zayn!" Sigaw ko kahit napapaos na yung bosea ko.

Nasa third quarter na at dalawa na lamang ang abante ng kabila. Sobrang kaba na ang nararamdaman namin.

Hanggang sa dumating ang huling quarter.

Nag time-out muna sila.

Naku naman!
Magka-hawak kami ritong mga estudyante. Isa lang naman ang lamang ng kalaban. Huling laro na rin nina Zayn dito sa school. Sana naman manalo sila. Hindi lang para sa school kundi para narin sa mga sarili nila. I mean, a graduation gift.

Kinakabahan kami.

Nagkaroon ng jumball at si Kip ang gumawa non kasi siya yung pinaka matangkad sa kanilang lahat.

"Go, babe! Payting!" Sigaw ni Feliss.
Napaka supportive girlfriend naman yata niya.

Hawak ng kalaban ang bola at 15 seconds nalang.

Tahimik ang lahat sa loob ng gym.
Lalo kaming natigilan kasi naagaw ni Zayn ang bola at agad niya itong pinasa kay Zander.

Sana pumasok.

The time is running.

"Shoot mo na!"

Hindi muna pumasok ang bola sa loob ng ring kasi umikot muna ito sa may rim.

Napatayo kaming lahat nang pumasok ang bola.

We won!
We won!
We won!

Ang galing ng love ko.

Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya agad ko siyang niyakap.

"Ang galing mo talaga yush."

Agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at sinamaan na naman ako tingin.

May nagawa na naman ba akong kasalanan?

" Ilang beses ko ba gustong sabihin sayo na love ang itatawag mo sa akin. " Marahan niyang sabi.

Opps! Oo nga pala. Nasanay na kasi ako eh at saka medyo awkward  pa para sa akin yung pagtawag ng love  sa kanya.

Ramdam ko nalang ang pag-init ng mukha ko nang may biglang dumampi sa kanang pisngi ko.

Ha? Oh! My ghash.
Hinalikan niya ako

Hindi ako makapagsalita. Parang wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"Love?" Sambit niya dahil siguro napansin niyang hindi ako nagsasalit.

" Bakit mo ginawa yun? "
Nag galit-galitan ako kunyari para naman may thrill.

Ramdam ko nalang na niyakap niya ako. Ang sweet naman ng love ko.

" Love, sorry na. Ayaw mo ba nong kiss ko? Sorry na. "
Tanong niya habang nakayakap sa parin sa akin.  Bumitaw naman ako sa pagkakayakap niya at siya naman yong kinukulit ako kanina pa.

Teka! Parang ganito lang din ako dati ah.
Nagkabaliktaran na nga ata nang mundo. Dati lang ako pa yung nangungulit sa kanya pero ngayon siya naman. Pero hindi katulad ko, mabilis siyang sumuko.

Binitiwan niya ang mga kamay ko at naupo siya roon sa isa sa mga bench.
Hindi ko naman siya matiis kaya nilapitan ko na rin siya.
Naupo ako sa tabi niya.

"Kakainis ka naman yush e. Dika man lang nagsabi na hahalikan mo'ko. At saka nagulat ako. Nagaluntang yata puso ko. " Sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin.

Bumuntong-hininga ako at nilapit ako mukha ko sa kanya.

Aaminin ko na kinikilig ako pero sana siya rin.

" Paganti nga ako. " Saad ko

Nakita ko siyang napangiti. Hala! Nakakatakot naman yon. Mali ba yong move na nilabas ko.
Hahalikan na sana niya pero~~~.

" Opps! Hep...hep...hep! "

May isang taong humarang sa pagitan namin.
Tiningnan ko siya nang masama pero ngumiti lang naman siya.

"Wanna kiss me Zayn?" Tanong nito kay Zayn at sabay kindat.

Agad naman siyang tinulak ni Zayn pero mahina lang naman.

" Ano bang problema mo? " Tanong ni Zayn sa kanya.

" Pasensya na pare, pero masyado na kasi kayong PDA e, " sabi niya at inikot ko yung mga mata ko sa buong paligid.
And damn!
Halos lahat ng tao ay nakatitig na pala sa amin.

" Actually kanina pa, " dugtong pa niya.

Napakayuko nalang ako sa sobrang hiya.
Hindi ko naman inaasahan na nakakaagaw na pala kami ng atensiyon eh.
Ramdam ko nalang na may yumakap na sa akin.

"It's okay love. Atleast they already knew that we really cared for each other. Ayaw mo ba non alam na rin nilang sayo'ng-sayo lang ako?" Bulong niya sa akin.
Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya. Hiyang- hiya talaga ako sa mga oras na to.

Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi parin maalis sa isip ko .
"Di ba sabi ko, wag mo na isipin ang bagay na yon?" Sabi na niya naman habang naglalakad kami papasok ng subdivision namin.
Hindi niya talaga ako pinapapasok sa kotse niya. Ano bang meron sa kotse niya!

"Nakakahiya kasi." Sabi ko. Totoo naman eh. Parang ayoko na ngang pumasok sa school sa sobranf hiya.

"Ang isipin mo yung prom mamaya. Kaylangan mong magpahinga. Okay?"

Oo nga pala. May prom nga pala kami mamaya.

"Pag hindi ka maganda mamaya, hindi kita isasayaw." Sambit niya pa.

"Ikaw bahala." Wala sa mood kong sabi.

"Okay lang sayo?"

"Ikaw nga bahala. Wala naman na akong ikakaganda pa eh. Alam ko namang mas marami diyang maganda."

"Basta magpahinga ka na. Uuwi narin ako. Ngumiti ka nga."
Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang dulo ng labi ko.
Dahilan para ngumiti ako.

"Ngumiti ka lang palagi okay? Susunduin kita mamaya." Binuksan ko na ang gate at pumasok sa loob.
Papasakayin na niya kaya ako sa kotse niya? Sabi niya kasi susunduin niya ako.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now