Chapter 31

120 45 2
                                    

Tabee Kyline pov

Hapon na ako pumasok sa araw na to. Syempre galing party.
Kaya naman, kwento dito, kwento dun.

"Ang pangit kaya dyan , dito nalang tayo, " sabi ni Ahlia. Well, actually. Kanina pa sila nagsasagutan ni Vestre.

" Mas maganda kaya rito, maganda yung view. "

" Ayoko, nakapunta na ako dyan. "

" Kung ikaw nakapunta na, pwes ako hindi pa. "

" Ayoko nga sabi dyan. "

" Prrrtt! ANO BA! INGAY INGAY NIYO! " sigaw naman ni Trixiah.

" Si Vestre kasi! "

Hala! Ang cute ni Ahlia, saka nag pout.
I smell something fishy.

" O ikaw bruha. Anong tinatawa-tawa mo dyan? "

Ako na naman po ang nakita.

" Ay! Syanga pala Pabee, i mean Tabee.
Tumawag sakin si Zayn kahapon. Tinatanong kung nasan ka. "

" Sakin naman nag missed call. "

" Ay! Sakin din pala. "

"Samin din. "

" Pakialam ko ba! "

Bigla nalang ako napasigaw.

Nagtaka naman sila.

" What? "

TANYA POV

Hindi natuloy ang dinner date namin ni Zayn kagabi.

May sasabihin pa naman ako. This time, sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya at papayag ako sa arranged marriage namin kung sakali.

I don't think so, if he still loved me until now.

And that Tabee Kyline. Sino siya sa buhay ni Zayn?

No! Hindi pwede.
Zayn, is still mine.

Mag kaibigan lang sila.

Pupunta ako sa school nila at kakausapin ko ang babaeng yun.

TABEE KYLINE POV

"Tabee! "

Lumingon ako sa likod at ang babaeng yun? Si Brittany.

" Bakit? "

" Let's talk. "

Umuo lang ako. Bakit ba? Gusto ko siya makausap dahil gusto kong malinawanagan ang lahat.

" Zayn is mine! " agad niyang sabi.

" Tabee, I want Zayn. So please, leave us alone. "

May sira na ata tong babaeng to. Ako nga yung iniwan e.

" May pangako kami sa isa't-isa at ngayon, tutuparin na namin yun, so please. Akin na si Zayn. Ibalik mo na siya sakin. "

(Crap) Ang haba ng tagalog niya

" Tabee, 'wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Zayn, loved me at the first place. "

" Ano bang pakialam ko kung mahal mo siya? Kung mahal ka niya.
At kung nakikiusap ka sakin. Huwag ka ng mag alala dahil nung bumalik ka na sa kanya, umalis nadin siya sa buhay ko. "

" Huwag mo na kaming guluhin ni Zayn! "

Ano ba yan? Kakasabi ko palang nga e.

" Iyong-iyo na siya. Magsama kayo! "

" Sa oras na guguluhin mo kami, guguluhin ko rin buhay mo. "

" Pinagbabantaan mo ba ako? Wala ka na ding guguluhin sa buhay ko. So? Anong kaso mo? "

Ang labo niyang kausap.
Isa nalang talaga world war 2½ na talaga.

" 'Cause you're a wicked witch. "

Aba! Aba!

Pakk!

Binigyan ko siya ng isang mainit na mainit na sampal.

That's  the first time na gagawin  ko ang bagay na' to.

Pakk!

(crap)

Sinampal din niya ako.

Ito na yun.

Sampal dito, sampal dun, sabunutan dito, sabunutan dun.

" Tabee! "

Ang mga ffgs ko. Lumapit sila samin at tinulungan ako.

Maya't-maya dumating nadin ang mga lalaki.

" Tama na yan! "

"Bitiwan mo ako!"

"Awat na kasi Feliss, tama na! " gigil na gigil na sabi ni Kip.

Tumigil na kaming lahat pero, nagulat ako ng sinabunutan ulit ako ni Tanya.

Gantihan nalang din to.

" Awat na kayo! Tumigil na kayo! "

Pasigaw at halos galit ang boses ni Zayn.

" Zayn,they hurt me! "

Sumbong ni Tanya kay Zayn.
Bwiset!

Susugurin ko na sana ulit si Tanya pero bigla nalang ako natulak ni Zayn.

" Enough! "

Ang sakit-sakit! Emotionally, physically.
Patuloy parin sa pag agos ang mga luha ko.

Vestre, asan kana?
Ako pa yung sumosobra?

Nanghihina na yung buo kung katawan.
Pati yung puso ko pagod na pagod nadin.
Tumayo ako.

" MAGSAMA KAYO! " at dali-dali akong tumakbo papalayo roon.

Bakit Zayn? Kulang na kulang pa ba yung mga oras at pagmamahal na binigay ko sa'yo?
Ilang taon pa ba yung gusto mong ilaan ko sa paghahabol  ko  sa'yo?

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now