Chapter 20(Unofficial)

146 51 1
                                    


(ZAYN POINT OF VIEW)

Kaming dalawa nalang ni Pabee yung nandito, lumabas na yung apat.

Katahimikan lang ang nagpapagitna sa aming dalawa.

"Okay ka na ba Pabee?" Basag ko sa katahimikan.

"Pabee?" Nagtatakang sambit niya.
Wala nga pala siyang natatandaan. Hindi niya pala ako naaalala at hindi na niya matandaan kung ano yung tawag ko sa kanya.

"Yun yung tawag ko sayo." Sabi ko. Tumango- tango lang naman siya.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"Zayn." Sagot ko agad.

"Ano nga ulit kita?"

Ano ba sasabihin ko?

"Boyfriend mo yata ako?" Patanong kong sagot.

Crap!

ANO?
ANO?
ANO?
ANO ULIT SINABI KO? Pano ko ba sinabi yun?

"Boyfriend kita? At hindi ka sigurado kung boyfriend nga talaga kita?"

Pati ako nagugulahan din sa mga sinabi ko.

Tasheleen's storyline

(Tabee Kyline Park point of view)

"Boyfriend mo yata ako?" Hindi sigurado niyang sabi.

"Boyfriend kita at ka siguradong boyfriend nga talaga kita?"

Ang cute lang marinig galing sa kanya yung mga salitang yun?  Kinikilig tuloy ako.

Pakiramdam ko tuloy na ang ganda-ganda ko.
Hindi ko naman inaasahan 'to e. Pero, syempre bida ako kaya aarte na muna ako rito.

Nakita kong napakamot siya sa batok.

Ibig sabihin ba nito may gusto si Zayn sakin? For real?

"Kung boyfriend nga talaga kita. Ano nga ulit endearment natin?" Tanong ko sa kanya. Gustong- gusto ko na talaga matawa.

"Beb?" Patanong niyang sagot.

My ghost! My ghost!
Oxygen please. Kinikilig na talaga ako.
Ang hirap magpigil.
Beb? Zayn! Ang baduy! Super!
Natatawa ako.

"Uy!" Sambit niya nang hindi ako nagsalita.

"Boyfriend na ba talaga kita? I mean~~~~totoo? Boyfriend kita?"
Babawiin niya siguro kasi ang sama ng tingin sa'kin e.

"Oo nga kasi diba? Niligawan mo ko dati tapos sinagot kita." Sagot niya.

Ha?Ako daw nanligaw? Naman e.
Okay na sana eh.

"Niligawan kita? Paano? Di ka naman yata gwapo." Sabi ko na hindi nagtugma sa nakikita ko. Ang gwapo niya kaya.

"Hindi ka talaga naniniwala? Paulit- ulit ka nalang ah." Mukhang nag-uumpisa na siyang magalit.

"Okay. Ibig sabihin ba non~~mahal moko?" Gusto ko nang malaman ang isasagot niya.

"Oo syempre. Hindi ka rin naniniwala?" Sabi niya habang nakangiti.

Nagtanong lang naman ako kasi curious ako eh.

Gusto ko nang maiyak. Hindi siya maliit na bagay para sakin. Matagal ko nang gustong narinig yun mula sa kanya. Ang sabihin niyang mahal niya ako.
Gusto ko tuloy magpasalamat kay Ahlia sa ginawa niya sa kin dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi darating ang araw na to na aamin siya sakin.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now