Chapter 11

163 54 1
                                    



Bakasyon namin at pumunta kami sa bahay nina Zayn.

Nandun siya sa may sala at nanunuod ng tv tapos ay naka headset.
Ano ba naman yan! Paano niya ako mapapansin nito?

Teka! Naiintindihan niya kaya yung pinapanuod niya?

"Yush! Hello!" Sabi ko pero hindi niya ako pinapansin.

Hindi niya ako pinapansin kasi busy siya sa pagce-cellphone.
Pinatay ko yung tv kasi hindi naman siya nanunuod. Pero nagulat ako nang bigla niyang agawin yung remote sakin at binuksan ulit yung tv.

"Mabuti pa, mauna nalang kami. Sunod nalang kayo, okay?" Sabi ni Trixiah.

Tumango lang ako.

Nung nakaalis na sila tumabi ako kay Zayn doon sa may sofa.
It's my chance! (Evil laugh)

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya na hindi nakatitig sakin.

Habang nagsasalita siya nakangiti lang ako at nakatitig sa kanya.

At sa tingin ko, naaasar na siya.

"Yush, diba mamamasyal tayo?" Nilambingan ko ulit yung boses ko.

Pagkarinig niya non ay pinaalis niya ako ron sa sofa at nahiga siya.

Matutulog pa yata siya.

"Zayn! Wag ka namang ganyan
Aalis tayo diba? Hoy!"

Niyugyug ko yung katawan niya pero ayaw niya padin.

Nakakaantok.


TASHELEEN'S STORY LINE



(ZAYN POINT OF VIEW)

Sobrang tagal naman nito. Nag-o-online games ako at hinihintay ko yung next level at ang tagal mag loading. Naiinip na ako.

Tapos maya-maya ramdam kong may tumabi na sa akin.
Ano naman ginagawa niya rito?

Tinanggal ko yung headset ko.

"Ano pang ginagawa mo rito?"

Aba! Lintik! Nakangiti lang siya sakin.
Nang aasar!

Pinaalis ko siya ron sa may sofa kasi hihiga ako.
Dinalaw yata ako ng antok eh.

Sinulyapan ko siya ron sa kinaroroonan niya.

Para siyang baliw, nakangiti?

"Baliw ka ba?"

"Oo, yush! Baliw na baliw na ako sayo." Sabi niya sabay kindat.
Tinapon ko sa kanya yung hawak kung unan.

"Aray!" Rinig kong reklamo niya.

Naupo na naman ako ulit tapos tumabi na naman siya sakin.

Ops! Ano to?
Yayakapin niya ako.
Ano ba naman to?

"Yush! Tara na. Pasyal na tayo. Sige na."

"Ayoko at lumayo ka sakin." Mahinahon ko pang sagot.

"Yush! Sige na. Libre mo naman eh. Diba ang saya?"

Ano? Libre ko? Ang kapal naman talaga ng mukha niya. Kinuha ko yung dalawa niyang kamay na nakayakap sakin saka ako lumayo sa kanya.

"Mamasyal kapa diba? Pwede ka nang umalis." Sabi ko.

"Ha? Wag na pala yush. Dun nalang tayo sa kwarto mo. Tara na? Matulog nalang tayo." Nabigla ako sa sinabi niya. Medyo kinilabutan ako.

Tapos hinila-hila niya ako.

Walang salitang lumalabas sa mga labi ko.



(Tasheleen's storyline)

Hinila-hila niya pa talaga ako paakyat ng kwarto ko.

"Pabee! Ano ba!" Sigaw ko sa kanya.

"Halika na kasi!" Pilit niya sakin

"Umalis kana kasi." Pinipilit kong alisin yung kamay niya sakin pero sobrang lakas niya.

"Ayaw mo namang mamasyal tayo diba? Eh,di doon nalang tayo sa kwarto mo. Matulog nalang tayo. Tara na."

Ang kulit niya! Sobrang kulit!

"Ayoko ngang mamasyal! Ayoko! Ayoko!" Naiinis n ako.

"Hindi rin ako aalis dito." Sabi niya tas ngumiti ulit.

"Alis na kasi." Medyo sumusuko nako.

Kinuha niya yung kamay niya sakin saka tinaas na parang sumusuko na rin.

"Fine~~~~fine." Tumalikod na siya at akala ko babalik na siya sa sala pero nabigla ako nang mabilis siyang tumakbo papasok ng kwarto ko.

"Pabeeeeeeeee!" Habol ko sa kanya. Pero huli na ang lahat. Nakahiga na siya sa kama ko.

"Halika na yush." Nakangiti na naman siya. Pinagpapawisan na ako.

"Ano bang ginagawa mo Pabee! Lumabas ka rito, labas na!" Sigaw ko sa kanya.

"No! Unless~~~~~~"

"Unless what!" Naiinis kong tanong.

"Unless, tatabihan mo kong matulog. Halika ka na baby." Tila nang-aakit niyang sabi.
Lumapit ako sa kanya  at hinila yung magkabilaang kamay niya.

"Lumabas ka na rito." Sabi ko habang hila-hila yung dalawang kamay niya.

"A~~~~yoooo~~~ko!"

Aalis na sana ako nang marahan niyang hinawakan ang kanang kamay ko.

Mali! Ano ba tong nararamdaman ko. Pabee! Bakit ganyan ka!
Wag ka namang ganyan please!
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Fine! Mamamasyal na tayo." Wala na akong choice. As in wala na.

At sa wakas ay binitiwan na niya yung kamay ko saka tumayo na siya sa pagkakahiga.

"Ang arte mo kasi eh. Oh, ayan! Maligo ka muna! Ang baho mo." Sabi niya sabay abot sakin nung tuwalya ko.

"O baka naman. Gusto mong samahan pa kita Zayn?" Mas lalo akong kinilabutan sa sinabi niya.

Nitong mga nakaraang araw, parang mas lalo siyang nagiging pervert.

Babaeng pervert? Tss!

"Lumabas ka na." Sabi ko.

"Okay." Sabi niya at naglakad na siya papuntang pintuan.

"Pero, ayaw mo talagang samahan kitang maligo? You, know~~~"

"PABEE!"
Nakita ko naman siyang tumawa ng napakalakas bago sinaraduhan yung pinto ng kwarto.
Babaeng yun! Pinagti-tripan ako.

Pumunta na ako sa banyo ng kwarto ko. Sobrang pawis yung lumalabas sa buo kong katawan.
Naghilamos muna ako para mahimasmasan ako.

Kakaiba talaga siya. Sana pala pumayag na ako kanina para hindi na umabot pa sa ganito.


When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now