Chapter 15

137 57 3
                                    

I need air!

"Kip! Itabi mo muna!" Bigla-bigla kong sigaw.

Tumigil naman siya agad.

"Bakit ffg? May problema ba?" Agad naman na tanong ni Feliss.

"May nakalimutan pala akong bilhin. Mauna nalang kayo. " Walang kwentang alibay ko.
.

"Ha? Anong bibilhin mo Tabee? Sasamahan na kita."  Pag presenta ni Feliss.

"Huwag na Feliss, kaya ko naman eh."

"Sasamahan na kita. Gabi na oh, baka ano pa mangyari sayo diyan."

"Hindi na nga, una na kayo. Sige." Bumaba na ako sa kotse.

"Sasamahan na kita."

Hindi kay Feliss boses yung narinig ko.
Lumingon ako.
Si Zayn?

Parang tatalon na ang puso ko sa sobrang tuwa.

"Ha? What about me Zayn?" Rinig kong reklamo ni Ahlia.

"Kip, hatid niyo nalang si Ahlia ha?"

Pero, bago pa nakasagot si Ahlia. Pinaandar na agad ni Kip. Ang bastos din naman ng ugali ng mga tropa kong 'to.

Nakita ko naman si Feliss na dumungaw sa bintana ng kotse at  nag thumbs up.

Katahimikan ang namuo sa pagitan namin ni Zayn ngayon.

Anong sasabihin ko? Ako ba yung unang magsasalita?

Wala naman kasi talaga akong bibilhin e. At saka wala naman akong pera.

Bumasag sa katahimikan ang tumunog kong cellphone.

Si mama tumatawag.

'Hello ma?~~~~~Opo ma. Pauwi narin po ako. Sige na.'

Binalik ko ulit yung cellphone  sa bag.

"Kanino cellphone yan?" Tanong niya. At doon ko lang naalala yung cellphone na gamit ko.

"Ha?" Patay malisya kong tanong.

"Hindi yan yung binigay ko sayo at hindi rin yan yung dating cellphone mo. Binilhan ka ba ni tita ng bago?"

"Ha? Ano kasi~~~~~" Hindi ko kayang magsinungaling.

"Kanino yan? Kung galing kay tita yan, sasagot ka agad diba? " Bakit ba ang dami niyang alam at tanong.

"Ang totoo niyan, galing talaga to kay Vestre." Mahina kong tugon.

"Ano? Kay Vestre?" Medyo tumaas yung tono ng boses niya.
Tumango lang ako.

"Pwede mo nang ibalik yung phone na binigay ko sayo." Sabi niya ulit.

"Teka lang naman yush. Yung binigyan moko, nauna na si Vestre."

"Tinatanong ko ba? Basta ibalik mo na yun sakin."

Galit nalang siya palagi.
"Regalo mo yun diba? Bakit mo babawiin?" Sabi ko. Totoo naman kasi.

"Hindi mo naman ginagamit diba? Pwede mo nang ibalik sakin."

"Gagamitin ko na bukas. Promise." Sabi ko.

"Bakit bukas pa?"

"Eh, hindi ko dala eh." May katangahan din pala siya minsan.

"Ang dami-dami mo nang cellphone. Katext mo rin siguro yung lalaki sa jeep noh?"

Ha? Hindi ako prepare sa tanong niyang yon..

"Nevermind. Ano ba yung bibilhin mo?" Pagpapalit niya ng usapan.

"Bibilhin?" Wala akong maisip na isasagot.

"Sabi ko na nga ba eh. Wala ka talagang bibilhin. Nag-i-inarte ka lang talaga kanina."

"Eh, bakit sinamahan moko?"

"Bakit,ayaw mo ba?"

"Syempre gusto ko, curious lang naman ako eh."

"Umuwi na nga tayo."

Nagsimula na kaming maglakad pauwi.

"May susuotin ka na ba bukas?" Tanong niya.

"Ha?" Nakakailang (ha) na ba ako?

"Puro ka nalang 'ha'." Nahalata niya rin pala.

"Ano kasi~~~ehmm."

"Alam ko namang meron na. Halika na, mag taxi nalang tayo."

Sakay lang Zayn, walang tayo. Wala!

Sa kakaonting, parang napawi lahat ng mga naiisip kong hindi maganda.
Isa ito sa mga gusto kong mangyari sa buhay ko kasama si Zayn.
Dreams do come true.

Tasheleen's storyline

Cp's ringing

"Hello?" Walang gana kong sagot.

"Hello,Tabee! Ano ba! San kana ba? Kanina kapa namin hinihintay dito? Ano? Pupunta ka ba? Magsisimula na yung party!" Walang prenong sabi ni Trixiah. Kung tutuusin, kanina pa nila ako kinukulit.
Naiinis ako kasi ayaw nilang maniwala na hindi ako pupunta.

Wala naman akong sasabihin kaya pinatay ko nalang yung tawag.

Text ko nalang kaya.

To:FfG''s in a RS with Lance
"Sabi ko naman kasi na hindi ako pupunta diba? Masama narin pakiramdam ko."

~~~~~~~~~~~~~~sent~~~~~~~~

Dont forget to vote and comment.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now