Chapter 3

227 59 6
                                    

TABEE'S POINT OF VIEW

"Tara na. " Agad kong hinila si Zayn papalabas ng classroom bago makapasok si cheerleader dito sa classroom.
Pinulupot ko ang braso ko sa kanang kamay niya para hindi na siya makawala pa.

Hindi na naman siya kumikibo. If I know, baka gusto niya rin.

Nang makarating na kami sa canteen ay pinaupo ko na siya at ako nalang ang kukuha ng pagkain niya.

"Diyan ka lang yush ha?  Ako na ang kukuha ng pagkain mo." Sabi ko.
Paalis na sana ako nang maalala kong kulang pala ang allowance ko ngayon, hindi ko siya maili-libre.

"Yush, wala pala akong allowance." Sabi ko sa kanya saka ngumiti. 
Narinig ko siya na bumuntong hininga. Inilahad niya sa akin ang pera niya saka ako tuluyang umalis para bumili ng pagkain.

Nang makabalik na ako ay agad akong umupo sa harapan ng kinauupuan niya.  Umupo lang ako roon at nakikinig sa usupan nina Trixiah.


"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Zayn sa'kin.

"Umuupo. Bulag ka na ba yush?" Nakita ko ang pagka-asar sa mukha niya.  "Baka dumating kasi yung baliw na cheerleader, agawan na naman ako ng pwesto non. Wala pa naman kahiya-hiya yon." Sagot ko.

Sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko na naman siyang bumuntong-hininga.  Tatayo na sana ako nang bigla siyang tumayo. Tatanongin ko sana kung saan siya pupunta pero natigilan ako nang inalapit niya sa akin ang pagkaing binili ko para sa kanya. Pagbigay niya sa akin ay umalis na siya.
Sinundan ko nalang siya ng tingin habang kumukuha siya ng pagkain.


"Uy!  Kainin mo na 'yan.  Kilig kana naman diyan na walang katuturan." Wika ni Feliss.


"Infairness, bet ko ang strategy mo this time. " Saad naman ni Trixiah.


"Salamat ha?  Mabuting kaibigan talaga kayo. " Sarcastic kong sabi sa kanila.

Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang mga 'to eh.  Parang wala naman silang ambag sa buhay ko pati na sa lovelife ko.

Hinintay ko si Zayn bumalik bago ako kumain. Hindi kami nagkikibuan pero ayos lang, makasama ko lang ngayon, okay na'ko.


"Yung tula mo kamusta na?" Tanong ni Feliss sa akin habang inaabot sa akin ang burger na hindi niya nakain. Kinuha ko naman 'yon kasi hindi na bago sa amin ang ganitong eksena.

Yong tula nga pala.
Bakit niya pa kasi pinaalala. Nakalimutan ko na nga eh.

"Kung nag-aaral ka kasi ng mabuti, wala ka sanang problema. " Singit naman ni Zayn sa usapan.


"Nag-aral naman ako ah.  Nakalimutan ko lang talaga. " Depensa ko naman.


"Kung may nagre-reset lang ng utak dito sa mundo, pina reset ka na sana namin. " Balik niya ulit sa akin. Minsan lang siya magsalita pero sapol na sapol ako.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now