Chapter 4

196 60 10
                                    


Nakaupo ako sa isang bench sa hintayan nang sasakyan nang may biglang humawak sa balikat ko. Nagulat ako kasi naman nasa lugar ako ng imahinasyon ngayon.

Nilingon ko kung sino iyon.

He looks familiar.
Tama!

Si Vestre? Isa sa mga classmates ko.

Siya yong top student sa school namin.
Habulin ng mga babae rito sa campus namin kahit sa labas, hearthrob din naman talaga.
Pero hindi ko siya type.

Si Zayn lang talaga.

Hindi ko nga siya napapansin eh, parang hindi nga siya nag-e-exist sa classroom or sa mundo ko. We know the name of each other pero hanggang doon lang.

President din pala siya ng student council.

Ang tangos ng ilong.
Ang ganda ng labi.
Ang bango.
Ang puti.
Ang talino.

Teka! Teka!

Ano ba tong mga iniisip ko.

Pero bakit ba siya nandito?

"Hay." Bati niya habang nakangiti sakin.

"Ikaw pala. Bakit? " Medyo awkward kong tanong. Nahihiya ako ngayon palang. 
Siya nga pala ang tumulong sa akin nong nakaraang araw, doon sa klase ni sir.

Nakita ko lang siyang ngumisi. 
Nakakatakot naman ang ngising 'yon.

"Hindi ka ba komportable ngayon na kausap ako?" Magalang niya namang tanong.

"Hindi naman sa gano'n." Nahihiya kong sabi. "Nahihiya lang ako." Pag-amin ko sa kanya.

"Ganoon ba? Kyline, bakit ka pa pala nandito?" Nagulat na naman ako.
Kyline daw? Tinawag niya akong Kyline?

Eversince in my life. Siya lang ang tumawag sakin ng Kyline.

Napangiti nalang ako.

"Ayos ka lang ba?" Tanong na niya naman.

"Ano kasi.....yung Kyline. Ikaw lang yung tumawag sakin ng ganyang pangalan. Pwede bang Tabee nalang." Naiilang kong sabi.

"Mas prefer ko yung Kyline. I'm sorry to say this but it sounds funny kapag Tabee yung tawag sa'yo. Mas bagay sa'yo ang Kyline." Nakaka offend pero okay lang bawing-bawi naman eh.

Bigla nalang nagliwanag ang mukha ko roon sa sinabi niya.

"Talaga ba?" Nagpapaniwala na naman ako.

Tumango lang naman siya bilang pagsagot sa akin.

Okay! Masyado akong nagpapaniwala.

"Bakit dito ka pa pala? Hindi ka pa uuwi? Wala kang sundo?" Pagbabago niya ng usapan. Kanina pa niya tinatanong 'yan.  Hindi ko pa pala nasasagot.

"Wala eh, naghihintay ako ng masasakyan."

"Ihahatid nalang kita, kung ayos lang sa'yo." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na itatanong niya sa akin 'yan.

Mabubuti naman ang mga naririnig ko tungkol sa personalidad niya eh. Sapat na siguro 'yon para magtiwala ako sa kanya.

Ihahatid niya ako pauwi?

Sasabay ako sa kanya?

Sino ba naman ako para umayaw. Uwing- uwi na nga rin ako kanina pa eh.

Umandar na yong sasakyan.
Ang sarap sa feeling.
Pleasure ko talaga 'to na ipagmaneho ako ng isang gwapong lalaki.

Pero si Zayn.
Ayaw niya.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now