Chapter 9

152 52 2
                                    

Uwian na namin.
Umupo ulit ako sa bench sa labas.
Hihintayin ko si Vestre, pero hindi siya dumating.
Bakit ko nga ba siya hinihintay? Driver ko ba siya? May kontrata ba ako sa kanya?

Naglakad nalang ako nang naglakad.
Nakakapagod din pala ang maglakad. Lalo na kapag mabigat yong dibdib mo. Wait! I mean~~~~~yong may tinatago kang sakit sa loob ng puso mo.

 Tinawagan ko nalang si mama at sabi niya hintayin ko raw siya.
Six o'clock pa ang out ni mama sa trabaho at ang tagal-tagal pa.

Mag ma-mall nalang ako total may malapit dito sa school namin. Pampalipas oras nalang din.

Tumitingin ako doon sa mga couple stuff but ooooppppps!

Did I saw them?
Si Zayn ko, nandito? Alam niyo ba kung ano yong nakakaiyak? Kasama niya si Ahlia.
Ang cheerleader!

 What the!

Anong ibig sabihin nito?
Magkasama sila. At bumibili sila ng couple stuff?

"Look, who's here!" sabi nong babae. Nakita niya pala ako.

Ang sarap sabunutan.

"So, sinusundan mo ba kami Tabee?"  Ang kapal ng mukha niyang itanong yan.

"Bakit sa inyo ba 'tong mall?" Matigas kong sagot.

"No. Pero I know sinusundan mo kami." Ayoko nga magpa-apekto sa sinabi niya kasi naman ay nakita ko si Zayn kasama sina Kip at Lance mula sa malayo.

"Oh baka naman ikaw ang sumusunod sa kanya." Balik kong tanong sa kanya.

"Excuse me? Why do you think so na wala sina Feliss at Trixiah dito? Kasi hindi talaga nila sinadya na magpaalam, dahil ako."

Napangisi naman ako.
Bakit naman ako maniniwala sa kanya.

"Ang feeling mo noh?"

"Well, you're wasting my time. Manunuod na kami ng sine. Bye." Nakatalikod na siya at papaalis na nang lumapit ako sa kanya at biglaang hinila ang buhok niya.

"Aray!" Bulalas niya.

Agad akong tumakbo bago pa man siya humarap sa akin. Binilisan ko ang takbo para hindi na siya makaganti pa.

Buti nga sa kanya. Akala naman niya magpapa-api ako.

Tama naman na paglabas ko ng mall ay nandoon narin si mama.

"Hay, mama." Sabay halik ko sa pisngi niya. 

"Dito nalang tayo kumain nak." Sabi ni mama.

Ha? Ayoko!

"Doon nalang tayo sa bahay 'ma. Tara na po."  Pilit ko sa kanya.

"Anak, pagod ako. Wala na akong oras para magluto. Tara na."

Hindi ko na napilit si mama. At syempre naawa narin naman ako sa kanya. Hindi naman kasi ako marunong magluto.

Pumasok ulit kami at sana naman wala na sila.

"Tabee,okay ka lang?" Tanong sakin ni mama. Pansin niya sigurong hindi ako mapakali.

"Ha? Oo naman ma."

Binilisan ko talaga ang pagkain para makaalis na kami roon.

"Okay ka lang ba talaga Tabee? Huwag kang magsisinungaling. Kilala kita." Napasimangot naman ako. Ayoko namang sabihing dahil kay Zayn.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now